Tuesday, November 26, 2024

Gov. Ortega-David: La Union Anti-Drug Abuse Council Nakakuha Ng Pagkilala Galing Sa DILG

9

Gov. Ortega-David: La Union Anti-Drug Abuse Council Nakakuha Ng Pagkilala Galing Sa DILG

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nakatanggap ang La Union Anti-Drug Abuse Council (ADAC) ng pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government, ayon kay Governor Rafy Ortega-David.

“Another feat for La Union! We have received the 2023 ADAC (Anti-Drug Abuse Council) Performance Award Marker dahil sa ating implementation and initiatives for anti-drug abuse,” anunsyo niya sa social media.

Sinabi ni Ortega-David na nakatanggap ang La Union ADAC ng 95 na puntos na nagpapatunay na lubos na gumagana ang mga ipinapatupad na programa ng pamahalaang panlalawigan laban sa ilegal na droga

“Asahan po ninyo na pananatilihin natin ang peace, order, and security dito sa ating probinsya,” aniya.

Binati ng gobernadora niya ang mga lokal na pamahalaan sa La Union na nakatanggap din ng ADAC Performance Award; gaya ng: City of San Fernando, Municipality of Agoo, Municipality of Bangar, Municipality of Bauang, Municipality of Burgos, Municipality of Naguilian, Municipality of Pugo, Municipality of San Gabriel, Municipality of Santo Tomas, Municipality of Rosario, at Municipality of Tubao.

Binanggit din niya ang mga nakatanggap ng mga reward at incentive para sa 2022 Outstanding Anti-Drug Abuse Councils gaya ng Municipality of Aringay, Municipality of Bacnotan, Municipality of Bagulin, Municipality of Balaoan, Municipality of Caba, Municipality of Luna, Municipality of San Juan, Municipality of Santol and Municipality of Sudipen.

“It was also a pleasure to be with DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. Muli, congratulations po sa ating lahat!,” dagdag ni Ortega-David.

Ang ADAC Performance Award ay nagbibigay ng pagkilala sa mga ADAC ng probinsya, lungsod, o munisipal na mahusay na gumanap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng kani-kanilang mga programa, proyekto, at aktibidad laban sa ilegal na droga.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila