Monday, January 13, 2025

Gov. Ortega-David: La Union, Laging Alerto!

15

Gov. Ortega-David: La Union, Laging Alerto!

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinaalalahanan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang kanyang mga Kaprobinsiaan na manatiling mapagmatyag at alerto pa rin sa sama ng panahon na maaaring idulot ng Bagyong Betty.

Sa isang post sa social media, sinabi niya na ayon sa pinakahuling forecast mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration, inaasahang maaapektuhan ng accumulated rainfall ang lalawigan sa mga susunod na araw. 

Tiniyak din ni Ortega-David sa publiko na ang Provincial Government of La Union (PGLU), kasama ang lahat ng component local government units (LGUs), ay nananatiling nakaalerto at nakahanda nang husto sa anumang posibleng sakuna.

“Personal ko pong nakita at sinigurado na handa na at nakastand-by na ang ating responders, rescue vehicles, gayundin ang mga relief goods, at hygiene kits in cases of emergency,” aniya. 

Binigyang-diin pa ni Ortega-David ang sama-samang pagsisikap ng lahat ng component LGUs sa pananatiling mapagmatyag sa panahong ito. Hinikayat niya ang lahat na manatiling may kaalaman at kahandaan. 

“Ang lahat rin po ng component LGUs natin ay naka#AlertoKaprobinsiaan din dahil inaasahan po ang accumulated rainfall sa ating probinsya mula Monday-Wednesday,” dagdag niya. 

Nanawagan din ang gobernador sa mga residente na magkaisa at suportahan ang isa’t isa sa panahon ng bagyo.

Bilang pagkilala sa dedikasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Offices sa lahat ng LGUs, nagpahayag din ng pasasalamat si Ortega-David sa kanilang walang sawang pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng lalawigan.

 

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila