Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pagiging inklusibo at paggalang sa indigenous diversity ng La Union, inihayag ni Governor Rafy Ortega-David ang paglulunsad ng Ballaygi, isang Livelihood Caravan para sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa lalawigan.
Ang Provincial Government of La Union (PGLU) ay nakipagsanib-puwersa sa Provincial Federation of Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) upang selyuhan ang isang partnership na naglalayong iangat ang buhay ng mga IP sa pamamagitan ng sustainable income-generating opportunities.
“We officially entered into a Memorandum of Agreement for the implementation of Ballaygi, a Livelihood Caravan for our Indigenous Peoples (IPs) here in La Union,” anunsyo ni Ortega-David sa social media.
Ayon sa PGLU, ang kasunduan ay isang pagpapatibay ng pangako ng PGLU at ng Provincial Federation of IPMRs ng La Union na bigyan ng kapangyarihan ang mga IP sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga alagang hayop.
“Through this livelihood program, we are targeting to provide livelihood opportunities for our IPs. Mahalaga sa akin that we develop programs that provide opportunities for a more secure and sustainable livelihood ng Kaprobinsiaan po natin,” dagdag ni Ortega-David.
Aniya, mahalaga ang partnership na ito para sa pagpapanatili rin ng mayamang cultural heritage ng La Union.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang gobernadora sa Provincial Federation of IPMRs ng La Union sa kanilang pakikipagtulungan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng alyansa ng sektor ng LGU-IP sa pagtiyak sa pangangalaga at pagdiriwang ng kultural na pamana ng La Union.
“We continue to move forward with La Union PROBINSYAnihan! Sa atin pong pagkakaisa, mas marami tayong mga proyekto at programa na nagagawa para sa ating Kaprobinsiaan.”
Photo credit: Facebook/GovRafy