Pinangunahan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang groundbreaking ceremony para sa upgrading ng dalawang district hospitals sa lalawigan.
“Level-up pa ang serbisyo sa upgrading ng 2 district hospitals Nagpunta tayo sa groundbreaking ceremony para sa upgrading ng Rosario District Hospital at Naguillian District Hospital,” anunsyo niya sa isang Facebook post.
Ayon kay Ortega-David, ang upgrading ng mga nasabing ospital ay upang maitaas ang bed capacity ng mga ito na malaking tulong sa paghahatid ng quality healthcare services dahil mas marami pa ang maaaring ma-cater ng mga hospital.
“Para naman po sa mga frontliners natin, especially those in our district hospitals, you continue to serve with the best of your abilities, and for that we, your provincemates, are eternally grateful,” dagdag niya.
Kamakailan lamang, ang Naguilian District Hospital at Rosario District Hospital ay nakasama sa mga district hospitals ng La Union na ginawaran ng Integrated Management System (IMS) Certification.
Dahil dito, ang La Union ang kauna-unahang probinsya sa buong Pilipinas na ang mga ospital ay pumasa sa tatlong pamantayan ng IMS.
Nagbigay-pugay naman ang pamahalaang panlalawigan sa tiyaga ng bawat frontliner at mga empleyado ng La Union District Hospitals.
Binigyang-diin ng La Union Public Information Office (PIO) na ang pagsunod sa mga pamantayang katulad ng IMS ay isang indikasyon na ang mga empleyado ng mga nasabing ospital ay nakatuon sa pagseserbisyo sa mga tao, gaya ng layunin ng lalawigan.
Idinagdag nito na kabilang sa mga magagandang punto na binibigyang-diin ng mga auditor ay ang commitment ng top management at staff sa pagpapatupad ng IMS; detalyadong SWOT Analysis at Risk Registry; Comprehensive IMS Management Review minutes of meeting; Availability ng EMS Procedure; Commendable presentation ng records at documents, at competency ng mga manggagawa na may valid Professional Regulation Commission license.
Sinabi ng PIO na, “This award is a manifestation of the diligence and persistence of the employees in contributing to the welfare of every Kaprobinsiaan.”
Dagdag nito, pinuri rin ng mga auditor ang pagsunod ng mga ospital sa mga patakaran, regulasyon at pagpapasa sa anong mga required sa kanila. Dahil dito, nakuha ng mga ospital ang unang puwesto sa buong bansa sa pagkuha ng IMS Certification.
“This award is a manifestation of the diligence and persistence of the employees in contributing to the welfare of every Kaprobinsiaan,” ayon sa PIO.
Photo Credit: Facebook/GovRafy