Tuesday, November 26, 2024

Gulong Gulo Na! Sen. Hontiveros Binatikos Si FPRRD Ukol “Gentleman’s Agreement”

312

Gulong Gulo Na! Sen. Hontiveros Binatikos Si FPRRD Ukol “Gentleman’s Agreement”

312

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang magkasalungat na pahayag mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon sa “gentleman’s agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa West Philippine Sea (WPS). 

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng transparency at agarang aksyon ng Senado sa usapin.

“Duterte and his men all have conflicting claims. Ang gulo nilang lahat, parang gobyerno niya noong pinuno siya,” mariing pahayag ni Hontiveros.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng kanyang resolusyon sa Senado, na nananawagan ng masusing imbestigasyon sa umano’y kasunduan. “Their contradictory statements all the more require that the Senate resolution I filed be heard at the soonest possible time.”

Inihayag pa ng mambabatas ang mga partikular na insidente noong panahong iyon na pinaniniwalaan niyang nagpapakita ng hindi paborableng posisyon ng Pilipinas vis-à-vis China.

“Tigilan na rin ni Duterte ang pagsasabi na mas maayos ang West Philippine Sea noong panahon niya,” aniya. “It was during his administration that China passed the disastrous fishing ban against Filipino fisherfolk. It was during his time that Chinese Navy vessels armed with missiles chased and harassed Filipino journalists. It was his presidency that made the Philippines look like a Chinese puppet in the eyes of the international community.”

Nagpasaring din si Hontiveros sa mga hindi naisapublikong insidente ng pananakot at pagbabanta mula sa China noong termino ni Duterte. “Mas marami pang mga insidente ng pananakot at pambabanta na hindi pa isinapubliko noon. Pero ngayon, kitang-kita ang kahangalan ng Tsina.” 

Hinimok din niya si Duterte na huwag ipagtanggol ang China at unahin ang interes ng Pilipinas. “Huwag niya nang ipagtanggol ang bestfriend niya. Walang napala ang Pilipinas,” giit ng senador at binigyang-diin ang pangangailangan para sa isang matibay na paninindigan sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas at mga interes sa WPS.

Nilinaw kamakailan ng dating pangulo na walang pormal na kasunduan nanaganap sa pagitan ng Pilipinas at China ang kanyang administrasyon, bagkus, isa nangako lamang ang dalawang bansa na panatilihin ang kapayapaan sa South China Sea. Nangako siyang magbibigay ng karagdagang detalye sa mga susunod na araw matapos suriin ang mga dokumento na may kaugnayan sa mga kasunduan sa foreign policy sa panahon ng kanyang administrasyon.

Photo credits: Facebook/senateph, Presidential Communications Office Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila