Thursday, June 27, 2024

‘HAAAY, SALAMAT!’ Pag-Alsabalutan Ni VP Sara Sa DepEd, Ikinatuwa Ni Castro

264

‘HAAAY, SALAMAT!’ Pag-Alsabalutan Ni VP Sara Sa DepEd, Ikinatuwa Ni Castro

264

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila nakahinga ng maluwag si ACT Teachers party-list Representative France Castro nang pormal nang umalis si Vice President Sara Duterte sa puwesto bilang Department of Education (DepEd) secretary at co-vice chairperson of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matapos ang pagsibat ng bise presidente bilang miyembro ng gabinete ng Marcos administration ay diretsahang sinabi ni Castro na mawawakasan na ang dalawang taon na krisis sa edukasyon sa bansa.

“Sa wakas ay nagresign na din sa DepEd si VP Sara, sana ay mas maaga niya ito ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa. Nasayang ang dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel.”

Kaugnay nito, hiling ni Castro na sana mabuwag na rin ang organisasyon na ginawa ng NTF-ELCAC ukol sa red-tagging na nakakasagabal lang aniya sa taumbayan. “It is nothing but an apparatus of the state to violate human rights and spread fake news.”

Maaalalang noong nakaupo pa sa pwesto si Duterte sa NTF-ELCAC ay ilang beses siyang pinaratangan ng pang-re-red-tag sa iba’t-ibang grupo sa bansa na aniya ay miyembro ng communist movement.

Bukod sa kanyang paglisan sa dalawang ahensya, sinabi rin ni Castro na posibleng maging ugat na rin ito ng alitan sa pagitan ng partidong Marcos at Duterte lalo na’t nabanggit ng bise presidente ang pagkawala ng kanilang alyansang UniTeam.

“The resignation of VP Duterre from the Marcos Jr. Cabinet also marks the open war between the former allies and the upcoming escalation of hostilities between the two camps,” saad ng mambabatas.

Sa kabila nito, nanawagan si Castro ng agarang aksyon mula kay Pangulong Bongbong Marcos upang mapunan ang naiwang posisyon ni Duterte lalo na sa sektor ng edukasyon.

Photo credit: Facebook/ACTteachers, Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

President In Action

Metro Manila