Saturday, November 23, 2024

HAKA-HAKA DAW! Ex-PNP Chiefs Nabulabog Sa POGO Payola

2283

HAKA-HAKA DAW! Ex-PNP Chiefs Nabulabog Sa POGO Payola

2283

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naalarma ang mga dating mga pinuno ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng unverified report si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) senior vice president for security Raul Villanueva na ang isang dating PNP chief ang nasa payola daw ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isang panayam sa media kamakailan. Matatandaang sinabi ni Villanueva na may mga nakuha silang reports sa intelligence community na nagtuturo na may isang dating PNP chief ang nasa payroll ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at mga illegal na POGOs. 

Sabi ni dela Rosa, na isa ring dating PNP chief na nagsilbi noong Duterte administration, may group chat ang mga ex-PNP chiefs at doon ay nagpahiwatig ang mga ito ng kanilang concern sa kadahilanang hindi pa naman verified ang report na ito.

“Tinamaan sila doon because that is a very sweeping statement, and it caused so much concern doon sa mga retired na chief PNP na they are relaxing and living peacefully ay nasasali nanaman sila sa usapan,” saad ni dela Rosa.

Aniya ang mga ganitong klase ng unverified report ay hindi dapat isinapubliko agad dahil ito ay maglilikha ng duda hindi lamang sa kapwa police officers kundi pati na rin sa publiko. 

“Dapat bago nila nilabas yun, kinonfirm muna, vinalidate nang husto at once validated, dapat alamin talaga kung sino yun at dapat sinabi yung pangalan,” sabi pa nya. 

Saad pa ni dela Rosa, susubukan niyang kumuha pa ng maraming impormasyon kay Villanueva ukol sa intelligence report nito sa susunod na hearing ng Senado tungkol sa mga POGO. Dagdag pa niya, hindi daw imposible ang report na ito dahil sa laki ng perang kinikita ng mga POGOs sa bansa.

“Wala namang exemption dito. Kung nag-violate ka ng batas, harapin mo,” sabi pa niya.

Samantala naglabas ng kautusan si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil para sa isang masusing imbestigasyon tungkol sa alegasyon. Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ng PNP spokesperson na si Col. Jean Fajardo na ang Criminal Investigation and Detection Group ay inutusan na makipag-ugnayan sa PAGCOR para makakuha ng higit pang detalye mula sa “talks sa kanilang intelligence community” tungkol sa papel ng dating PNP chief.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila