Naniniwala si Lanao del Sur first district Representative Zia Alonto Adiong na ang mga pahayag ni former senator Antonio Trillianes 4th tungkol sa “ouster plot” laban kay Pangulong Bongbong Marcos ay may bahid ng katotohanan.
Sa isang press conference, iginiit niya na tila may basehan na ang sinasabi ni Trillianes ukol sa ibinunyag niyang plano ng ibang opisyal na patalsikin si Marcos sa pwesto.
Ayon kay Adiong, sa mga nangyayaring isyu ngayon na nadadawit ang Pangulo, hindi malabo na isa ito sa mga taktika ng mga taong gustong siyang pabagsakin.
“Kumbaga [parang] jigsaw puzzle, everything is coming into place and the picture now is very clear. It becomes clearer and clearer each day that they attack the administration,” saad niya.
Pahayag pa niya, nagsimulang lumabas ang mga isyu tulad ng “leaked” documents ng Philippine Drug Enforcement Agency nang matapos ang trilateral meeting ng bansa kasama ang Estados Unidos at Japan.
“If you look at the development after the trilateral agreement, there’s no way for you but to think that there is something deeper beyond what is happening in the committee hearing in the Senate,” dagdag pa ni Adiong.
Giit niya, konektado na ang lahat ng nangyayari sa sinasabing “ouster plot” ni Trillianes. “Connect the dots. You don’t need Senator Trillanes telling us all this. You just have to connect the dots,” mariin niyang sabi.
Kaugnay ng isyu, isa si Adiong sa mga kumwestyon sa nangyayaring hearing sa PDEA ‘leaked’ documents. Nagkaroon siya ng pahayag kay Sen. Bato Dela Rosa tungkol dito, sinasabing dapat ay klaro sila sa kung ano nais nilang makamit kapag natapos ang hearing.
“We don’t see that as the substantive reason for this ongoing investigation, because first and foremost, you do not have any basis for what you want to achieve […] what do we really want to do, what is the main objective and motive because these are coordinated,” saad niya.