Saturday, November 23, 2024

‘HARAPIN MO’! Robredo Sinopla Si VP Sara Sa Pagboykot Sa SONA

1452

‘HARAPIN MO’! Robredo Sinopla Si VP Sara Sa Pagboykot Sa SONA

1452

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi man diretsahan ay tila pinuna ni dating Vice President Leni Robredo ang naging asta ni Vice President Sara Duterte tungkol sa hindi pagdalo sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, ang pagdalo sa SONA ay isang obligasyon ng isang opisyal ng gobyerno at may kanya-kanyang pananaw ang bawat isa dito ngunit dapat pa ring magkaroon ng respeto sa isa’t-isa.

“Ang sa akin lang, may kaniya-kaniya tayong paraan sa pagharap ng mga hamon. Pero para sa akin, kapag tumanggap ka kasi ng posisyon, kasama na riyan ang lahat ng paghihirap. Ang attitude ko palagi, tinanggap ko ang obligasyon, kaya tatanggapin ko rin ang hirap na kaakibat nito. Kaya imbes na magtampo ako, hanapan na lang ng paraan,” saad ni Robredo sa isang panayam kasama ang Kaya Natin PH.

Dagdag pa ng dating bise presidente, ang SONA ay nakapaloob na sa Konstitusyon kaya dapat galangin ito lalo na kung halal ang isang tao sa opisyal na puwesto. “Kailangan mo kasing harapin dahil sa obligasyon,” aniya.

Matatandaang sa isang ambush interview, nilinaw ni Duterte na wala siyang masamang intensyon sa kanyang sinabi tungkol sa pagiging “designated survivor” matapos kumpirmahin ang hindi niya pagdalo sa ikatlong SONA ng pangulo.

“Hindi siya joke, hindi siya bomb threat. I think many missed the point. So para sakin, kung hindi mo naintindihan, I don’t think you deserve an explanation,” saad ni Duterte gamit ang kanyang native language.

Dagdag pa niya, hindi na dapat ito nagiging isyu pa dahil personal na kagustuhan niya ang hindi pagdalo sa annual address at dapat respetuhin na lamang ng ilang kritiko. “Ngayon lang ako nakakita na ang Vice President laging tinatanong ang attendance sa lahat.”

Matatandaang humindi si Duterte sa imbitasyon sa kanya para sa darating na SONA at naging kontrobersyal ang kanyang sagot dahil sa pagsasabing siya ang magiging “designated survivor” kung kaya’t hindi siya dadalo sa nasabing annual address.

Ang pahayag na ito ng bise ay naging kontrobersyal sa taumbayan at ilang kritiko dahil tila nagpapakita raw ito ng “bomb threat joke” para sa Pangulo.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, Facebook/VPLeniRobredoPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila