Patuloy na nangunguna ang mga senatorial aspirants na suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey, na isinagawa mula Disyembre 12-18, 2024, at kinomisyon ng Stratbase Group.
Ang survey, na kinabibilangan ng 2,097 rehistradong botante, ay nagpakita ng solidong suporta kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, na nangunguna pa rin, bagamat bumaba ang kanyang suporta mula 54 porsyento noong Setyembre sa 45 porsyento ngayon.
Pumangalawa sa survey si Senador Bong Revilla Jr., na tumaas ang supporta mula 24 porsyento noong Setyembre, ngayon ay nakakakuha ng 33 porsyento.
Si Sen. Bong Go naman ay patuloy na nasa top 3, nakakuha ng 32 porsyento, isang malaking pagtaas mula 18 porsyento noong nakaraang survey. Samantala, bahagyang tumaas si Sen. Pia Cayetano mula 31 porsyento noong Setyembre sa 32 porsyento, na naglagay sa kanya sa ikalimang pwesto.
Pumasok din sa Top 12 ang mga sumusunod na pangalan:
- #6 Ben Tulfo (30% support)
- #7 Former Senador Ping Lacson (27% support)
- #8-9 Manny Pacquiao at Willie Revillame
- #10 Makati Mayor Abby Binay
- #11 Sen. Lito Lapid
- #12-14 Las Piñas Rep. Camille Villar, Sen. Imee Marcos, at Sen. Bato Dela Rosa, pantay-pantay sa 21% support.
Kinumpirma ng SWS na ang survey ay may margin of error na ±2.1 porsyento para sa pambansang porsyento, at may mas mataas na margin sa regional results.
Photo credit: Facebook/senateph, Facebook/HouseofRepsPH