Saturday, November 23, 2024

Hinay-hinay Sa Paggamit! Legarda Nanawagan Ng Pagtitipid Sa Tubig

9

Hinay-hinay Sa Paggamit! Legarda Nanawagan Ng Pagtitipid Sa Tubig

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Sen. Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na tipirin ang pagkonsumo sa tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. 

Ang Angat Dam ang painagmumulan ng mahigit  98% ng tubig sa Metro Manila at bumaba ito sa 180 metro na minimum operating level noong Sabado, Hulyo 8 nang magrehistro ito ng 179.99m, ayon sa mga ulat. 

Binigyang diin ni Legarda ang agarang aksyon mula sa mga konsyumer hinggil sa inaasahang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig bunsod ng kinakaharap na dry spells dulot ng El Niño phenomenon.

“Kailangan nating magtipid at siguruhing tama ang paggamit ng tubig dahil sa nararanasan nating El Niño hanggang sa mga susunod na buwan na dahilan ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.”

Nanawagan din siya sa mga naaangkop na ahensya ng gobyerno na manguna sa pagtulong upang mabawasan ang epekto ng sitwasyon sa tubig.

“Citizens have been asked to conserve water, but local government units must assure clear and constant communication with water suppliers to manage demand.”

Ayon pa sa mambabatas ay dapat hanapan ng paraan upang bigyang insentibo ang mga sumusunod sa kanilang panawagan sa pagtitipid ng tubig.

“We should also find ways to incentivize those who have heeded our call to conserve water so that many will follow their steps in helping our environment.” 

Hinimok din niya na samantalahin ng mga residente ang malakas na buhos ng ulan na nakakaapekto sa maraming bahagi ng Metro Manila tuwing hapon at gabi.

“We can innovate many ways to collect rainwater and use that for watering our plants or flushing down our toilets.” 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila