Friday, November 22, 2024

Ganon Na Lang? Sen. Risa Umalma Sa Jemboy Baltazar Case Verdict

33

Ganon Na Lang? Sen. Risa Umalma Sa Jemboy Baltazar Case Verdict

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng pakikiisa si Senador Risa Hontiveros sa pamilya ni Jerhode “Jemboy” Baltazar sa isang press briefing ngayong araw. Kasunod ito ng desisyon ng korte na nagbigay ng minimal na sentensya sa mga pulis na idinadawit sa pagkamatay ng binatilyo. Plano ng pamilyang Baltazar na labanan ang mga desisyong ito sa Court of Appeals.

Kinuwestiyon ni Rodaliza Baltazar, ina ni Jemboy, ang pagiging patas ng hatol, na nagpapahiwatig na ang apat na taong pagkakakulong para sa isang opisyal ay hindi katumbas ng buhay ng kanyang anak, na habangbuhay ng nasayang.

“Isa lang po ang makukulong, pero apat na taon lang po. Yung iba po, lima, makakalaya. Eh, gano’n lang po ba yung buhay ng anak ko? Parang hindi tao yung napatay nila. Sila makakalaya. Apat na taon lang makukulong, pero yung anak ko, habang buhay, hindi na makakabalik,” naiiyak na sabi ni Rodaliza.

Si Jemboy Baltazar ay kalunos-lunos na napatay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril ng mga pulis habang nangingisda kasama ang mga kaibigan noong Agosto 2, 2023. Sa mga kinasuhan na opisyal, isa lamang ang nakatanggap ng sentensiya para sa homicide, habang ang iba ay na-discharge pagkatapos ng maikling pagkakakulong.

Ipinunto ni Hontiveros na ang hatol ng korte ay isa pang nakababahalang halimbawa ng patuloy na “culture of impunity’ sa bansa.

“So, lumalabas na isa na naman ito sa mga pagsasalamin ng kultura ng impunity na ilang taon na nating nilalabanan… Palalayain ang lima sa anim na opisyal sa mismong araw ng desisyon, at ang isa naman ay mabibilanggo nga, pero apat na taon lamang. Samantala, ang batang si Jemboy ay naagawan na ng kanyang buong buhay at mga pangarap, at ang kanyang pamilya ay naagawan ng isang Jemboy. Ibig sabihin, marami pa tayong kailangang gawin para tuluyang mawakasan ang kulturang ito ng impunity.”

Sa pagpapahayag ng kanyang patuloy na suporta, nangako si Hontiveros sa pagkamit ng hustisya para sa pamilya Baltazar.

“Sa pamilya ni Jemboy Baltazar, hindi po dito natatapos ang lahat. Nagpapasalamat po tayo sa Department of Justice, na inanunsyo kahapon na gagamitin nila ang lahat ng legal na pamamaraan sa kasong ito, tulad ng pag-apela sa Court of Appeals. Kaya, kahit pakiramdam natin ay nabigo tayo kahapon, hindi tayo magmamasid na lang; tuloy ang laban para sa malawakang pagbabago sa loob ng ating mga institusyon, kung saan ang hustisya ay hindi lamang para sa mga mayayaman at may kapangyarihan.”

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila