Thursday, December 5, 2024

Hindi Secret! Chinese Embassy: Gentleman’s Agreement Alam Ni PBBM

264

Hindi Secret! Chinese Embassy: Gentleman’s Agreement Alam Ni PBBM

264

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iginiit ng Chinese embassy na alam ni Pangulong Bongbong Marcos at ng kanyang administrasyon ang “gentleman’s agreement” tungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), taliwas sa mga pahayag ng presidente na wala itong alam sa nasabing kasunduan.

Ayon dito, ang kasunduan, na ginawa sa panahon ng Duterte administration, ay nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-iwas sa kaguluhan sa WPS at hindi tumutukoy sa mga usapin tungkol sa soberanya.

“The Gentleman’s Agreement is about managing the situation on the ground, maintaining peace and preventing conflicts. It has nothing to do with our respective sovereign positions,” saad nito sa isang pahayag.

Binigyang-diin pa ng Chinese embassy na hindi inilihim ang kasunduan, dahil ang mga ahensya ng gobyerno mula sa parehong bansa ay kumilos sa ilalim nito upang matiyak ang kapayapaan sa WPS hanggang unang bahagi ng Pebrero 2023.

Mula nang maupo ang kasalukuyang administrasyon, sinabi ng Chinese embassy na gumawa ito ng mga hakbang upang masiguro na alam ng gobyerno ng Pilipinas ang kasunduan. Kabilang dito ang mga pagpupulong sa loob ng China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea at high-level discussions sa Beijing.

Sa kabila ng mga pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon, sinabi ng Chinese embassy na nadismaya sila sa pag-abandona sa kasunduan sa panig ng Pilipinas. Hinimok nila ang Pilipinas na tuparin ang mga pangako, magpakita ng sinseridad, umiwas sa mga probokasyon, at bumalik sa diyalogo at konsultasyon.

Inulit din ng China ang panawagan nito para ng pakikipagtulungan sa Pilipinas para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa WPS at binigyang-diin ang kahalagahan ng mutual understanding at pagsunod sa mga naunang kasunduan.

Photo credit: Presidential Communications Office Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila