Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa Senado na pag-usapan ang istratehiya sa pagtahak sa isyu hinggil sa panggigipit ng China upang hindi mapahiya ang bansa sa harap ng international community.
Ang panawagan niya ay kasabay ng pagtalakay ng Senado sa Proposed Senate Resolution No. 659 na may titulong “Urging the Philippine Government, through Department of Foreign Affairs (DFA), to sponsor a resolution before the United Nations General Assembly (UNGA) calling on China to stop its harassment of Philippine vessels within the West Philippine Sea.”
Hindi kumpiyansa si Cayetano sa estratehiya na iminumungkahi ng resolusyon at duda ito sa UNGA bilang nararapat na forum upang pag-usapan ang isyu.
“The President, who is the chief diplomat, has not stated that he wants this to be taken up in the UN. Yes, we are not a rubber stamp, and yes may sariling pag-iisip ang Senate. But ang Constitution na mismo ang nagsasabi na dapat ang Presidente ang may diskarte,” asaad.
Binigyang diin ni Cayetano na nais lamang niya na magkaroon ng matibay na desisyon ang Senado sa nasabing isyu upang hindi malagay sa nakakahiyang sitwasyon ang Senado at Executive Branch.
“This could cause embarrassment in the Senate if the President orders the DFA not to file the resolution. On the other hand, if it is going to file a resolution, why not hear this in a committee, get the input of the NTS-WPS (National Task Force for the West Philippine Sea), get the input of 24 senators, and strengthen it?”
Dahil sa suportang nakuha ng kanyang panukala mula sa ilang senador na nagkaroon ng closed-door meeting, na nagresulta sa pagpapaliban ng Proposed Senate Resolution No. 659.
“At least mapag-usapan natin behind closed doors the implications of not being in sync with the strategy of the President. And in this issue, there’s no majority or minority with the president. This is in the Philippines’ interest,” dagdag ng mambabatas.
Photo credit: Facebook/coastguardph