Sunday, December 22, 2024

HIRAP SALAKAYIN! PNP, Aminadong Malaking Hamon ‘Pagpilay’ Kay Quiboloy; Fugitive Preacher Nagtatago Sa Davao?

2067

HIRAP SALAKAYIN! PNP, Aminadong Malaking Hamon ‘Pagpilay’ Kay Quiboloy; Fugitive Preacher Nagtatago Sa Davao?

2067

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na maaaring abutin ng ilang araw ang paghahanap sa puganteng pastor na si Apollo Carreon Quiboloy matapos makumpirmang nagtatago umano ang religious leader sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Barangay Buhangin sa Davao City.

Kinumpirma ang nasabing intelligence monitoring ni Davao Police Regional Office (PRO) 11 chief Brig. Gen. Nicolas Torre III noong Huwebes, Agosto 8.

Samantala, sa press briefing noong Biyernes, Agosto 9 sa Camp Crame, inamin ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na mailap pa rin ang pagtugis sa naturang “Appointed Son of God.”

Malaking hamon daw ang paghahain ng warrant of arrest sa naturang religious leader dahil sa lawak ng KOJC compound na mayroong 30 ekstaryang laki at mayroong humigit-kumulang na 40 istraktura. Kabilang na mismo ang dome ng KOJC na katumbas umano ng halos na apat na Araneta coliseum ang laki. Dagdag pa rito ang ilang mga tunnel sa loob ng property ng religious group.

Matatandaang nadiskaril ang unang paghain ng warrant of arrest ng kapulisan kay Quiboloy noong nakaraang Hunyo 10.

Ayon kay Fajardo, nang salakayin ang KOJC compound upang halughugin ang ari-arian at arestuhin ang puganteng pastor, umalingawngaw raw umano ang mga sirena sa loob ng property ni Quiboloy.

“I don’t know if it is just a signal to anyone to give them the opportunity to hide or even escape,” aniya

Nahihirapan din daw silang pasukin ito dahil sa pagharang ng ilang mga tagapusorta ng KOJC lalo na’t ginawa pa raw human shield sa kapulisan ang ilang babae at menor de edad na miyembro nito.

“We appeal to Pastor Quiboloy to spare yung kanyang mga tagasuporta. Hindi ito laban ng PNP at lahat ng ahensya ng gobyerno sa KOJC. Ito ay implementation ng isang legal order na inissue ng korte para sa particular na isang tao. Hindi doon sa kanilang organization (his supporters. This is not a battle between the PNP and all government agencies against the KOJC. This is an implementation of a legal order issued by the court to a particular person, not to their organization),” paliwanag ng PNP spox. 

Samantala, naghain ng 20-day freeze order ang Special 3rd Division ng Court of Appeals (CA) sa mga bank account, ari-arian at iba pang asset ng akusadong child abuser at fugitive preacher na si Quiboloy, kabilang ang kanyang simbahan na KOJC at media group na SMNI.

Ang 48-pahinang freeze order resolution ay isinulat ni Associate Justice Gabriel Robeniol na kinatigan nina Associate Justices Ramon Bato Jr. at Charlene Hernandez-Azura na may petsang Agosto 7.

Batay sa resolusyon, pinagtibay ng CA ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa natagpuang 330 malalaking financial transactions ni Quiboloy mula 2006 hanggang 2022 na umano’y direktang nagmula sa mga unlawful activities ng naturang religious leader kabilang ang kanyang mga kasamahan sa pagka ministro.

Ayon sa desisyong nilagdaan ni Robeniol, “In order to avoid the possibility of the funds in the subject bank accounts and/or properties from being withdrawn, removed, transferred, concealed or placed beyond the reach of law enforcers, this Court finds it appropriate and judicious to issue a 20-day freeze order as prayed for by petitioner over said bank accounts, including all other related or materially-linked accounts, and the real and personal properties enumerated in the ex-parte petition.”

Photo credit: Facebook/pro11official

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila