Sa isang matapang na talumpati sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na wala siyang naging preparation para sa nasabing hearing dahil tanging ang nagsisinungaling lamang ang kailangan ng paghahanda.
“Sapagkat ang pagsasabi ng totoo ay hindi humihingi ng anumang espesyal na paghahanda. Ang katotohanan, bali-baliktarin man; simula sa dulo o sa gitna, ay masasabi nang malaya sa kalooban,” aniya.
Samantala, ipinagdiinan ng mambabatas na ang kasinungalingan ay nangangailangan ng mahahabang imbento at plano.
“’Pag totoo, kahit saan mo itanong, masasagot mo,” dagdag pa niya na ngayon ay nasa gitna ng kontrobersiya dahil sa imbestigasyon ng Kamara ukol sa alleged extra-judicial killings (EJKs) noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kinlaro din ng senador na hindi siya nagpunta sa isang nakaraang hearing sa Kamara para panatilihin ang respeto sa pagitan ng Senado at Kongreso. Para sa kanya, mahalaga ang pagpapahalaga sa mga tradisyon kaysa personal na interes.
“I do not wish to be the first to break our tradition of inter-parliamentary courtesy. If our counterparts in the Lower House do not exercise inter-parliamentary courtesy, this humble representation does. But most importantly, I do not wish to be a “guest” of their gag show,” aniya.
“Kung ako ay makasarili lamang, kung ako ay suwapang na tao, unang pagtawag pa lang nila nandoon na ako to clear myself. But because I am a member of the Senate, I have to protect the tradition that is being observed by this institution. Kaya hintayin na lang nila, Mr. President, kapag hindi na ako senador, I will be there everyday. Kung gusto pa nila, doon ako sa kanila tumira. Pero sa ngayon na ako ay senador pa, please naman, sana respetuhin nila iyong ating parliamentary courtesy,” dagdag pa ni dela Rosa.
Bilang vice-chair ng komite at dating police chief noong adminstrayong Duterte, aminado ang ang mambabatas na siya ang naging “mukha” ng kontrobersyal na kampanya kontra droga. Handang-handa raw siyang tumulong sa mga diskusyon tungkol dito.
Sa pagtatapos, buong pusong sinabi ni dela Rosa ang kanyang pangako sa katotohanan: “Ang duty ko ay sa katotohanan, at ‘yun lang. So help me God.”
Photo credit: Facebook/senateph