Pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na ang tatlong trading firm na sangkot sa “government-sponsored” sugar smuggling scandal ay dapat na permanenteng i-blacklist ng Department of Agriculture kapag natuklasan na responsable sila sa mga irregularidad.
Sinabi ni Hontiveros, na nagtulak ng Senate Resolution No. 497 para sa imbestigasyon sa isyu, na ang All Asian Countertrade Inc., Sucden Philippines Inc. at Edison Lee Marketing Corp. ay dapat usisain sa anumang irregularidad o kriminal na pananagutan sa sinasabing ilegal na importasyon ng tone-toneladang asukal sa bansa.
“Madaming tanong na kailangang masagot, lalo na pagdating sa pananagutan nitong tatlong kompanya na nakaambang solohin ang importation ng sugar supply ng bansa. Kung sangkot sila sa kapabayaan o anomalya, dapat ay agarang silang ilagay sa blacklist ng DA at sampahan ng kasong kriminal o administratibo,” aniya sa isang pahayag.
Nanawagan rin ang mambabatas para sa kooperasyon ng tatlong kumpanya tungkol sa isyu. Dagdag ni Hontiveros na dapat makilahok rin ang ibang opisyal ng gobyerno sa imbestigasyon.
Sa isang press conference noong Pebrero 21, ipinakita niya ang mga dokumento na nagsasabi na ang tatlong trading firm ay pinayagang mag-angkat ng 450,000 metric tons ng asukal sa Pilipinas kahit walang Sugar Order mula sa Sugar Regulatory Administration na nakasaad sa batas.Â
Inamin ni A Senior Undersecretary Domingo Panganiban na siya ang pumili sa tatlong trading firm base sa memorandum mula sa Office of the Executive Secretary.Â
Ipinunto rin ng senador na may 260 na 20-foot containers ng asukal na kulang sa permit na dumating sa port sa Batangas noong Pebrero 9 na sinasabi na galing sa All Asian Countertrade Inc.
“There is a reason why we have strict laws against smuggling of agricultural goods – they prevent greedy individuals from hoarding our food supply and keeping prices of agricultural goods unjustly high. Kailangan nating agarang aksyunan ang isyu na ito upang mapapababa ang presyo ng asukal at ng iba pang pagkain na kailangan ng bawat pamilya,” saad niya.
Photo credit: Philippine News Agency website