Saturday, January 11, 2025

Hontiveros: Napakataas Na Port Fees Dapat Imbestigahan

30

Hontiveros: Napakataas Na Port Fees Dapat Imbestigahan

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ng Senado ang mga administrative order na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA) na nagdulot ng labis pagtaas ng port fees at nakakadagdag sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

“These administrative orders are causing distress not only to the shipping operators but also to ordinary consumers. An increase in shipping costs poses a risk of further raising already burdensome pricing and inflation. This may affect how importers price their products. And in the end, it is the general public who will be hit by the biggest blow. Hindi ito dapat hayaang pasanin ng ating mga konsyumer na iniinda pa rin ang mataas na presyo ng bilihin at pamasahe,” aniya sa isang pahayag.

Sa panukalang Senate Resolution No. 484, partikular na binanggit ni Hontiveros ang mga administrative order na nauukol sa pagbibigay ng port terminal management contract sa mga bidder na may pinakamataas na presyo ng concession (No. 12-2018), pagpapatupad ng “Central Ticketing System” ( 12-2019); pagtaas sa mga bayarin sa pangongolekta ng basura (No. 01-2020, as amended); at paglikha ng mekanismo para sa pagpaparehistro at monitoring sa mga container na pumapasok at lumalabas sa mga daungan (No. 04-2021).

Ang Philippine Coastwise Shipping Association (PCSA), ang pinakamalaking shipping association sa Pilipinas, ay nagsabi na ang mga patakarang ito ng PPA ay nagdulot ng 2,000 porsyentong pagtaas ng port fees sa loob ng bansa, kaya tumataas din ang mga gastos sa domestic logistics na isa pang nagpapahirap sa mga konsyumer.

Nakasaad din sa resolusyon ang pag-aalala ng mga industry organization at trade organization na ang direktang singil para sa pagpaparehistro at monitoring sa mga container sa mga port tulad ng insurance, transaction, at transportation fees, ay magtataas ng mga presyo ng pag-import ng higit sa 50 porsyento.

Nakasaad pa sa resolusyon na hiniling na ng PCSA sa Department of Transportation na suriin ang mga port terminal management contract na umano’y nagtaas ng singil sa mahahalagang daungan sa Ozamis, Ormoc, Zamboanga, Tagbilaran, Surigao, Tacloban, Legazpi, Calapan, Nasipit, at Matnog.

“An efficient maritime transport network is of critical importance to our economy. Even the National Economic and Development Authority recognized that shipping costs are too high and they are a threat to national development. I urge my colleagues in the Senate to look into these increases immediately, recommend the regulation of these rates, and introduce port reforms to address inefficiencies, if necessary,” pagtatapos ni Hontiveros.

Photo credit: Facebook/portsauthorityph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila