Monday, November 25, 2024

House-Palace Nagpadala ng 100 ‘Libreng Sakay’ Bus

18

House-Palace Nagpadala ng 100 ‘Libreng Sakay’ Bus

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpadala ng 100 na bus ang House of Representatives at Malacañang para sa bumabyahe na mga komyuter sa Metro Manila na apektado ng tigil-pasada ng mga transport groups, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Lunes.

Tuloy ang tigil-pasada laban sa planong jeepney modernization program ng gobyerno kahit nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na tignan muli ang timetable at implementasyon ng jeepney modernization program.

“Through the joint effort of the House of Representatives and Malacañang, we have fielded 100 buses to augment the number of vehicles provided by local governments and other government agencies that would provide free rides to affected commuters,” pahayag ni Romualdez.

“It’s our commuters who would suffer the most from this transport strike. Cognizant of their difficult situation, have taken this joint initiative with Malacanang to ensure stranded commuters will have available rides to their work or home,” aniya.

Dagdag rin ng mambabatas na nasa kamay ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagdedesisyon kung saan bibiyahe ang mga bus.

Base sa mga ulat, sinabi ni Romualdez na 1,380 na indibidwal ang naisakay ng unang 46 na bus na bumabyahe sa Metro Manila mula 8:35 hanggang 11:01 ng umaga. 

Ayon sa ulat ng MMDA, ang mga sumusunod ang mga ruta ng unang 46 na bus: 

  • Baclaran-Sucat
  • Baclaran–Dapitan
  • SM Sangandaan-Divisoria
  • Buendia-Guadalupe
  • Zobel-Roxas-Dulo (Sta. Ana)
  • DOST Bicutan-Sucat
  • Alabang-San Pedro
  • Alabang-Calamba
  • Philcoa-TM Kalaw
  • BFCT-Cubao
  • Monumento-Navotas
  • Monumento-Malanday

Isinaad ni Romualdez na magdagdag ng iba pang transportasyon para makapagbigay ng libreng sakay sa mga komyuter sa gitna ng tigil-pasada.

Binanggit rin niya na nagpatuloy pa rin ang tigil-pasada sa kasamaang palad kahit nanawagan ang pangulo na usisain muli ang jeepney modernization program. 

“President Marcos has shown that he is sympathetic to the issues raised by certain transport groups over the jeepney modernization program. I appeal to those concerned to engage the government in a sincere dialogue to resolve this issue,” pahayag ni Romualdez.

“Kawawa po naman ang ating mga commuters na sila ang laging naiipit at nahihirapan tuwing magkakaroon ng ganitong transport strike,” aniya.

Photo credit: Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila