Pinabulaanan ni Sen. Imee Marcos ang usap-usapang pagtakbo niya bilang alkalde ng Maynila, at ibinunyag na hindi siya at sa halip ay kanyang dalawang pamangkin ang tatakbo mula sa kanilang pamilya.
“Of course not” sagot niya sa isang tv interview nang tanungin kung tatakbo ba siyang mayor ng lungsod ng Maynila.
“Bakit ko gustong mag-Manila mayor ang hirap hirap doon?”
Pagpapaliwanag ni Marcos, nasa unang termino pa lamang siya sa pagka-senador kaya’t pwede pa siyang sumabak sa reelection sa 2025.
Ibinunyag naman niya na ang mga kilala niyang tatakbo ay ang dalawang anak ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. Mayroong tatakbo sa probinsya ng Iloilo at Mindanao ngunit hindi niya binigyang linaw kung sino at saan sa nabanggit na mga probinsya tatakbo ang dalawa.
Sa tatlong anak ng Pangulo, si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang kasalukuyang may posisyon sa gobyerno bilang Ilocos Norte representative, ang dalawa naman ay sina Joseph Simon Marcos at William Vincent Marcos.
Photo credit: Facebook/senateph