Saturday, February 15, 2025

HUMATAW SA ILOILO! Alyansa Bets, Nangako Ng Trabaho At Investments

48

HUMATAW SA ILOILO! Alyansa Bets, Nangako Ng Trabaho At Investments

48

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dinagsa ng mahigit 35,000 Ilonggo ang national rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Mandurriao District nitong Huwebes, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Buong pagmamalaking ipinakilala ni Marcos ang kanyang mga senatorial bets, binigyang-diin na ang Alyansa lang ang may kumpletong listahan ng kandidato—mula sa pambansa hanggang sa pinakamababang puwesto sa Sangguniang Bayan.

Kasama sa powerhouse lineup ang 12 senatorial candidates na sila: Rep. Erwin Tulfo. Rep. Camille Villar, Sen. Francis Tolentino (re-electionist), Sen. Lito Lapid (re-electionist), Sen. Ramon “Bong” Revilla (re-electionist), Sen. Pia Cayetano (re-electionist), Sen. Imee Marcos (re-electionist), Makati Mayor Abby Binay, Dating Sen. Manny Pacquiao, Dating Sen. Tito Sotto, Dating Sen. Panfilo Lacson, Dating DILG Secretary Benhur Abalos

Sa isang press briefing bago ang rally, tiniyak ng mga kandidato ang kanilang suporta sa infrastructure at tourism development sa Iloilo at buong Western Visayas.

Push Sa Mega-Infra Projects!

Ayon kay Abalos, malaking bagay kung kukupkupin ng mga Ilonggo ang kanilang grupo, lalo na’t wala pang Ilonggo na senador ngayon.

Kabilang sa maipaglalaban niya ang development ng Iloilo International Airport at Panay-Guimaras-Negros Occidental Bridge, ani Abalos.

“It’s all about creating an environment for investments and at the same time creating jobs,” dagdag pa niya.

Si Tolentino naman ay todo suporta rin sa Panay-Guimaras-Negros Occidental Bridge, pati na sa 210-km Iloilo-Capiz-Aklan Expressway at sa bus rapid transit system sa Iloilo City.

“I see Iloilo as a hub for medical tourism, so there is a need to strengthen medical tourism in Iloilo. As mentioned by Sec Benhur, the redevelopment of your airport would really catalyze growth for the tourism sector,” pahayag ni Tolentino.

Dagdag pa niya, ang Sunset Boulevard ay isang magandang halimbawa ng urban renewal, ngunit dapat palawakin pa ang mga kalsada sa paligid upang mas mapakinabangan ang proyekto.

Samantala, inalala ni Villar ang kanyang ugat sa Iloilo at sinabi niyang dalawang bagay ang kanilang isusulong—infrastructure at tourism, na parehong mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya at pagbibigay ng trabaho sa mga Ilonggo.

Photo credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila