Hindi inatrasan ni Senator Jinggoy Estrada ang patutsada ni former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales tungkol sa kanyang plunder at bribery cases.
Sa pagpapatuloy ng Senate hearing kaugnay sa “PDEA leaks,” inilatag ni Morales ang kanyang hinaing tungkol sa mga pahayag na ang pagiging convicted niya ay nagpapakita na wala siyang moral para lumahok pa sa nasabing hearing.
Aniya, ginagawa niya ito para sa paglilingkod sa bayan hindi tulad ni Estrada na tinatakbukan ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
“[N]ais ko lang bigyang diin na ang pagdalo ko rito ay pagtupad sa aking tungkulin at responsibilidad bilang inyong senador na inihalal ng 15 milyong botanteng Pilipino na naniniwala sa aking kakayahan at nagtitiwala na kaya kong gampanan ang mga responsibilidad bilang isang lingkod-bayan.”
Dahil sa wala prenong banat ni Morales, agad-agaran itong binasag ni Estrada at sinabing hindi dapat idinadamay ni Morales ang kanyang kaso dahil wala itong relasyon sa hearing tungkol sa “leaked” documents ng PDEA.
“Alam mo Mr. Morales, huwag mong pakikialaman yung kaso ko, problema ko yun. Yung mga kaso mo ang ayusin mo,” mariing niyang pahayag.
Ganti pa ng mambabatas, hindi siya naniniwala sa mga isiniwalat ni Morales dahil sa kulang-kulang nitong pahayag at ebidensya. “Maliwanag na maliwanag na ang ating resource person ay nagsisinungaling.”
Maalalang may kinakaharap pang kaso pa si Estrada ukol sa pork-barrel scam kasama si Janet Lim-Napoles. Ngunit ipinahayag ng senador na may pagkakataon pa silang umapela rito ay patunayan na sila ay inosente.
“Well, nothing is final. That is appealable. We will file the necessary motion for reconsideration before the Sandiganbayan. […] I urge everyone to respect the wisdom and fairness of our justice system. Our justice system, despite its imperfection, is there to maintain law and order, protect our rights, and provide justice.”