Monday, December 23, 2024

IBIGAY ANG NARARAPAT! Utang Ng Gobyerno Sa Health Workers, PhilHealth Magbabayad

1953

IBIGAY ANG NARARAPAT! Utang Ng Gobyerno Sa Health Workers, PhilHealth Magbabayad

1953

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iminungkahi ni Senator Grace Poe nitong Miyerkules, Agosto 14 na dapat ilaan ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang hindi nagamit na pondo ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth sa natitirang balanse ng gobyerno para sa HEA o health emergency allowance ng mga health worker.

Suhestiyon ng mambabatas, nararapat na balikatin ng PhilHealth ang pagbibigay ng HEA sa ating mga health worker. Aniya, “With its increasing net income annually, PhilHealth should now shoulder the remaining payables of the government to our health workers.”

“Kinukuha na natin sa PhilHealth ngayon ang dapat napunta na sa ating health workers noon pa,” dagdag pa ng senadora.

Batay sa datos na inilahad ni Finance Secretary Ralph Recto sa ikalawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senate Finance panel, lumobo ang net income ng PhilHealth simula noong 2019 hanggang 2022. Mas lalaki pa umano ang netong kita ng nasabing ahensya sa pagtatapos ng taong ito.

Ayon sa numero, sa taong 2019 ay mayroong net income ang PhilHealth na P4 bilyon. Lumobo ito noong 2020 sa P30 bilyon. Nagpatuloy ito noong 2021 sa P48 bilyon at halos dumoble noong 2022 sa P79 bilyon.

Sa pagtatapos ng taong 2024, tinatayang magkakaroon ng P61 bilyon na net income ang PhilHealth ayon na rin kay Recto.

Samantala, ibinunyag din niya na hindi rin nagamit ng PhilHealth ang savings nito kahit noong panahon ng pandemya na dapat ay ginagamit sa mga gastusin sa kalusugan tulad ng HEA.

Hirit pa ng Finance chief, “It was during the pandemic as well that PhilHealth had a lot of savings because it was the national government who spent for the pandemic. We did not use resources from PhilHealth, which is essentially the reserved funds are really for an emergency like a pandemic.”

Saad din niya na ang reserbang pondo ng PhilHealth ay maaaring makabawas din sa halaga ng mga pautang sa national government sa panahon ng pandemya.

Inirekomenda rin ni Recto na pagbutihin ang mga benefit package ng PhilHealth upang mas mahusay na magamit ang mga pondo para sa mga miyembro nito.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila