Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong inihain laban kay Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco, kanyang asawa, dating Liloan mayor, at kasalukuyang Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at Cebu Fifth District Provincial Board Member Michael Joseph Villamor.
Ayon sa report ng isang online news site na Sunstar, ang mga reklamo ay may kaugnayan sa mga ambulansya para sa Covid-19 emergency response sa Danao City, sa northern Cebu.
Ang mga reklamong kriminal at administratibo ay unang inihain ng mga kapitan ng barangay ng Danao City na sina Don Roel Arias at Joselito Cane noong Marso 3, 2022. Ang mga reklamo ay umano’y ang mga sasakyan, na donasyon ng mga Frasco noong Pebrero 14, 2022, ay hindi wastong nairehistro sa ilalim ng pangalan ng Cebu Provincial Government. Nangatuwiran ang mga nagrereklamo na ang donasyon ay ginawa para sa political campaign purposes noong May 2022 elections.
Sa pinagsamang resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martires noong Setyembre 4, 2023, ibinasura ng anti-graft body ang mga reklamo laban sa mag-asawang Frasco at kay Villamor. Binanggit ng Ombudsman ang kakulangan ng probable cause para sa mga reklamo at kakulangan ng matibay na ebidensya laban sa mga Frasco. Hinggil kay Villamor, nakita ng Ombudsman na hindi sapat ang mga alegasyon para mapatunayan na may sabwatan na naganap sa pagitan niya at ng mga Frasco.
Bilang tugon sa desisyon ng Ombudsman, ang mga Frasco ay naglabas ng joint statement, at sinabing, “We welcome the Ombudsman’s dismissal of these politically charged complaints as a triumph of justice.” Binigyang-diin nila na ang mga reklamo ay walang basehan at inihain nang walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng publiko, lalo na sa panahon ng pandemya kung saan ang mga ambulansya ay maaaring maging mahalaga.
Photo credit: Facebook/profile.php?id=100064420820378