Monday, January 20, 2025

Imbestigasyon Laban Sa Online Job Scammers Isinusulong

12

Imbestigasyon Laban Sa Online Job Scammers Isinusulong

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isinusulong ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang imbestigasyon sa pagdami ng job scammers na nangbibiktima ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. 

Sa paghahain ng House Resolution No. 899, ipinahayag niya na kinakailangan ang isang “full-blown investigation” para mahuli ang mga sangkot sa ilegal na recruitment ring.

“There have been countless reports of Filipinos being victimized by local placement agencies for non-existent jobs abroad and syndicates offering high-paying jobs but the jobseeker ends up in a dubious cryptocurrency group,”  ayon kay Villar.

Pinaalala rin niya sa mga naghahanap ng trabaho na mag-ingat sa mga sindikato na gumagamit ng social media para sa ilegal na magtrabaho sa mga kaduda-dudang kompanya sa ibang bansa. 

Anim na biktima ang iniligtas ng Bureau of Immigration sa isang cryptocurrency ring sa ibang bansa na may buwanang sahod ng P40,000 habang ang iba ay inalok ng $800 hanggang $1000 na sahod pero aalis sila ng Pilipinas bilang turista. 

Ayon sa datos na nakuha ng tanggapan ni Villar, ang ibang empleyado na bumalik ng bansa ay hindi nabigyan ng sahod na ipinangako sa kanila.

“Stories of Filipinos being victimized into working abroad legitimately but end up working as scammers instead underscore the need for the government to aggressively pursue policies that would better protect them from illegal recruiters and international syndicates,” pahayag niya.

Ayon kay Villar, dapat siguraduhin ng gobyerno ang proteksyon ng mga Pilipino at iwasan ang mga kaso ng ilegal na recruitment dahil maaari itong maging isang panganib.

“While it is the duty of the government to provide decent jobs for its citizens to prevent them from leaving, it is also of equal importance that the government protect its citizens seeking employment abroad from scammers and syndicates,” pagdidiin niya. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila