Saturday, November 30, 2024

#ImeeSibuyas Caravan Magsisimula Na Sa Metro Manila

30

#ImeeSibuyas Caravan Magsisimula Na Sa Metro Manila

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa pangunguna ni Senador Imee R. Marcos, ang #ImeeSibuyas Kadiwa caravan ay magbebenta ng hanggang 300 metrikong tonelada ng pulang sibuyas sa murang halaga simula bukas hanggang sa katapusan ng Disyembre sa mga piling lugar sa Metro Manila.

Naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Senador Marcos na nagsasabing ang mga sibuyas ay mula sa mga kooperatiba ng mga magsasaka ng Nueva Ecija na ibebenta sa halagang P170 kada kilo.

Naglaan ang senador ng P140 milyon para sa Kadiwa Food Mobilization (KMF) program ng Department of Agriculture, dagdag nito.

Sinabi nito na makakabili ng pulang sibuyas sa mas mababang presyo sa Kadiwa rolling stores sa Maynila, Mandaluyong, Makati, Quezon City, at Valenzuela City.

Pangungunahan ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista ang kampanya ni Senador Marcos sa Barangay 20, Parola Compound, Tondo, Manila, at Barangay 272, Binondominium, Del Pan, Manila; Barangay Poblacion and Addition Hills Welfareville, Mandaluyong City at Barangay Rizal, Makati City sa December 30, simula alas otso ng umaga.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila