Sunday, July 14, 2024

‘INAALIKABOK LANG!’ Nakatiwangwang Na Dalian Trains, Kinuwestyon Ni Tulfo

981

‘INAALIKABOK LANG!’ Nakatiwangwang Na Dalian Trains, Kinuwestyon Ni Tulfo

981

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang bagong chair ng Senate Committee on Public Services, nakabaling ngayon ang atensyon ni Senador Raffy Tulfo sa aniya ay walang silbing Dalian trains sa MRT3 Depot sa North Avenue.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo na magpapatawag siya ng hearing sa Senado sa darating na Hulyo upang may managot at bawiin ang perang nagastos para sa mga inaalikabok na tren. 

Ito ay matapos niyang bisitahin ang depot noong Hunyo 18.

“Nakatiwangwang lang at nababalot na ng alikabok ang 48 Dalian trains na gawa ng China na nagkakahalaga ng P3.7 billion simula noong ito ay ma-deliver noong 2017,” saad ng mambabatas.

“Mayroon ng mga nakasuhan sa Ombudsman dahil dito pero nadismiss lamang ang mga kaso nila. Kaya dapat magsampa ng kakaibang criminal case kaysa sa dati nang naifile para maiwasan ang double jeopardy,” dagdag niya.

Napag-alaman din ni Tulfo na simula’t sapul ay alam na raw ng Aquino administration na hindi compatible at non-compliant ang specifications ng mga bagon ng Dalian sa MRT system, pero pinilit pa ring ituloy ang kontrata at tinanggap pa rin ang hindi mapapakinabangang mga bagon.

Aniya, kung sakali mang piliting gamitin at patakbuhin ng ating gobyerno ang mga Dalian trains, kailangang sumuka ang pamahalaan ng panibagong limpak-limpak na pera na magkakahalaga sa P2 bilyon kada taon para sa maintenance lang.

Imbes na gumastos ng napakalaking halaga para sa maintenance ng mga depektibong bagon, iminungkahi ng senador sa Department of Transportation na ire-negotiate ang kontrata upang maisuli na lang ang mga bagon na ito at maibalik ang halaga ng perang naibayad na.

Photo credit: Facebook/senateph

President In Action

Metro Manila