Saturday, January 4, 2025

INIWAN SA ERE? Mga Pulis Na Sumunod Kay Duterte, Pinabayaan Umano

2055

INIWAN SA ERE? Mga Pulis Na Sumunod Kay Duterte, Pinabayaan Umano

2055

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga miyembro ng House of Representatives ukol sa kalagayan ng mga pulis na sumunod sa utos sa ilalim ng anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, layunin ng imbestigasyon na tulungan, hindi parusahan, ang mga pulis, lalo na ang mga handang magsalita tungkol sa mga utos na kanilang natanggap.

Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na nasa 195 pulis ang nasibak sa serbisyo, habang 398 pa ang nasa panganib na masibak, base sa datos ni Philippine National Police Chief General Rommel Marbil.  “What about their families? They lost their jobs, had their lives and dignity destroyed in following those orders,” ani Fernandez.

Sinang-ayunan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kapwa mambabatas at sinabing marami sa mga pulis ang nahaharap sa malaking gastusin dahil sa legal fees, at ang iba ay nagkakautang na para lamang mabayaran ang mga abogado.

Inamin ng ilang kongresista na nararamdaman ng mga pulis ang “kawalan ng palabra de honor” ng dating pangulo, matapos niyang ipangako noong 2018 na poprotektahan niya ang mga pulis na susunod sa utos ng drug war. “I will take care of you,” ani Duterte sa mga pulis noong ipinasa niya ang mga patrol cars sa Davao City. 

“That’s our deal. When I said that you go and destroy the drug industry, destroying means destroying, including human life,” dagdag pa ng dating pangulo na nangakong handang makulong para sa 21 na pulis na kinasuhan sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na naka-detain noong Disyembre 2016. 

Ngunit sa kabila ng pangakong ito, marami sa mga dating pulis na sumunod sa mga operasyon ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal at hirap na buhay. Ipinaliwanag ni Fernandez na nais nilang malaman kung naniwala ang mga pulis sa proteksyong ipinangako ni Duterte o sa immunity na kanyang madalas ipahayag sa publiko.

Pinuna rin ng mga mambabatas ang pagiging pabago-bago ng dating pangulo sa pagsang-ayon sa bank waiver upang patunayan ang kanyang pagiging inosente sa akusasyon ni dating senador Antonio Trillanes IV. Ipinahayag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagtupad ni Duterte sa pangakong lalagda siya ng absolute waiver maliban na lamang kung ang iba, tulad ni Trillanes, ay gagawin rin ito.

Ang isyu ng bank waiver ay kaugnay ng akusasyon na may P2.4 bilyon sa mga bank account ng pamilya Duterte mula sa umano’y drug trade. Dagdag pa, may mga ulat na ang campaign donor ng dating pangulo noong 2016 na si Sammy Uy ay nagdeposito ng P120 milyon sa mga account ng kanyang pamilya.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila