Inokray ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang inisyatiba ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na food stamps program dahil hindi umano ito ang natatanging solusyon para matugunan ang suliranin hinggil sa kumakalam na sikmura ng mga Pinoy.
Ayon sa kanya, hindi dapat maging kampante ang administrasyon ni Marcos matapos maserpetikahan ang food stamps program para mabawasan ang bilang ng Pinoy na nagugutom sa bansa, dahil magiging “band aid solution” lamang ito.
“I don’t think it’s a band-aid solution, because if you look at the food stamp program, hindi lang naman Pilipinas yung ang dami ng gumawa ng bansang ito and even the United States have their own food stamp program,” dagdag pa ni Garin.
Banat pa niya, dapat palawaking mabuti kung ano ang magiging epekto ng food stamp program sa iba pang aspeto para maging mas epektibo ang giyera kontra gutom.
“So, it’s a collaboration of many things. We cannot have a myopic view of what the DSWD is doing, the Department of Social Welfare and Development is doing one program with various impacts.”
Napuna rin ng mambabatas na hindi sapat ang P3,000 budget para sa monthly assistance ng mga food stamp dahil kulang ito upang mapunan ang pang-araw-araw na badyet sa pagkain dahil na rin sa tumataas na bilihin.
Sa kabila nito, pinuri pa rin naman ni Garin ang nasabing programa dahil maganda ito ang simula para mawakasan ang kagutuman sa bansa ngunit, aniya, marapat na palawigin pa rin sa mga susunod na buwan. “It might not be enough but its a good start,” dagdag ng mambabatas.
Matatandaang inanunsyo ng DSWD na handa na ang kanilang ahensya na mamigay ng food stamps ngayong darating na Hunyo. Ipinahayag din nila ang karagdagang benepisyaryo ng nasabing program na mula sa 3,000 pamilya ay magiging 300,000 na.
Ngunit ang pagdadagdag na ito ay nangangailangan pa rin anila ng karagdangang budget kung kaya’t nagsusulong sila na ma-amendyahan ito sa lalong madaling panahon ng Department of Budget and Management.