Nagpaabot ng pagbati at papuri si Bise Presidente Sara Duterte sa naging panunungkulan sa nakaraang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa kaniyang social media, ipinahayag ni Duterte ang kanyang saloobin hinggil sa naging pamamalakad ni Marcos.
“Congratulations, Apo BBM! I am truly grateful for President Ferdinand Marcos and his leadership marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will — clearly demonstrated over the past year in office.”
Dagdag pa niya, ang ipinakitang pamumuno ng Pangulo ay ang uri na nagbibigay inspirasyon upang mas maging agresibo sa pagtupad ng mga ipinangako sa mga Pilipino.
Ayon pa kay Duterte, ang walang humpay na suporta ni Marcos sa mga repormang ipinakilala ng Department of Education sa sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng MATATAG Agenda ay makakatulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga teaching at non-teaching staff ng departamento.
Ipinahayag din ng pangalawang pangulo, na bilang isang Mindanaon ay natutuwa siya na marinig ang agenda ng administrasyong Marcos para sa pagpapaunlad ng Mindanao.
“As a Mindanaoan, I am pleased to hear his administration’s development agenda for Mindanao. It offers us hope and a deep sense of optimism that the efforts to stamp out terrorism and the peace-building initiatives of the past administrations are strengthened to bring about meaningful development for the region and its people.”
Ipinabatid din ni Duterte na gayundin ang pag-asang namumutawi sa buong bansa sa pagpapatupad nito ng socio-economic agenda na nagbibigay seguridad sa mga mahihinang sektor tulad ng mga magsasaka at mangingisda.
“Thank you, Apo BBM, for reminding us of our obligation to our country — an obligation contained in the contract we signed with the Filipino people in the 2022 election. Congratulations!”
Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial