Nadismaya si CIBAC Representative Bro. Eduardo “Eddie” Villanueva sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives matapos ipasa sa final reading ang pagpapatupad ng diborsyo sa bansa.
Bilang founder-president ng isang Evangelist church, ipinahayag ni Villanueva na malaking kasalanan pag-apruba ng divorce bill sa bansa kung pagbabasehan ang turo ng Diyos. Aniya, parang pagtapak ito sa nais iparating ng bibliya sa taong bayan.
“We should have realized that annulment and legal separation exist to remedy problematic marriages without rebelling against God, insulting Him, and drawing the curses of disobeying Him. May God have mercy on our nation,” saad niya.
Isa si Rep. Bro. Eddie sa bumoto laban sa pagsulong ng dibursyo sa bansa dahil aniya, makakaapekto lamang ito sa mga pamilya at sa kanilang paniniwala sa simbahan.
“We have explained and warned our colleagues of the ill effects of the measure; the accountability is now between them and God.”
Matatandaang ilang beses na naisulong sa Kamara ang pagpapatupad ng divorce sa bansa para matulungang wakasan ang kaso ng pang-aabuso sa buhay mag-asawa.
Noong nakaraang buwan, muli itong binuksan at nakakuha ng majority vote para isulong ang pagpapatupad nito bilang batas.
“As the only country in the world besides the Vatican where divorce is still illegal, this is a clear and resounding victory and signals the imminent liberation for Filipino wives who are entombed in toxic, abusive, and long-dead marriages,” ani ni Albay Rep. Edcel Lagman sa pagpapasa ng divorce bill.