Wednesday, January 22, 2025

IPAWALANG-BISA! Travel Tax, ‘Sisipain’ Ni Sen. Tulfo

1737

IPAWALANG-BISA! Travel Tax, ‘Sisipain’ Ni Sen. Tulfo

1737

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang pagsibak ng travel tax na ipinapataw ng gobyerno sa mga Pilipinong lumilipad sa pamamagitan ng economy class sa alinmang sulok ng mundo. 

Binigyang-diin ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Public Services, na ang pagpapataw ng travel tax bago makapag-ibang-bayan ay isang paglabag sa  constitutional right to travel alinsunod sa ating 1987 Constitution na nakapaloob sa Article III, Section 6 ng Bill of Rights.

Sa ilalim ng nasabing batas, kinikilala ang karapatan ng mamamayang Pilipino sa paglalakbay o right to travel.

Pagdiin pa ng mambabatas, ang karapatang ito sa paglalakbay ay hindi dapat mabali maliban sa interes ng pambansang seguridad, kaligtasan ng publiko, o kalusugan ng publiko, na maaaring itakda ng batas.

Samakatuwid, nais niyang ipawalang-bisa ang  Presidential Decree (PD) 1183 na inilabas noong 1977 na naging batayan ng patuloy na pagpataw ng gobyerno ng travel tax sa mga biyaherong Pinoy. 

Ayon sa nakasaad sa PD 1183, ang mga Pilipinong exempted sa pagbabayad ng buwis sa paglalakbay ay mga overseas Filipino workers, mga sanggol, at mga opisyal ng gobyerno at mga korporasyon sa opisyal na paglalakbay.

Ngunit sa isinusulong na panukalang batas ni Tulfo, magiging exempted na rin sa travel tax ang lahat ng mga pasaherong nasa sa economy class.

Pero ang mga pasahero sa first and business class ay mananatiling magbabayad pa rin ng tinatawag na luxury tax.

Photo credit: Facebook/MIAAGovPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila