Tuesday, November 26, 2024

Isang Araw Lang Pwede Na! Rep. Cardema Kinwestyon Ang Extensive Training Para Sa SK Treasurers

9

Isang Araw Lang Pwede Na! Rep. Cardema Kinwestyon Ang Extensive Training Para Sa SK Treasurers

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinuwestyon ni Duterte Youth Party-List Representative Drixie Cardema ang katwiran sa likod ng pag-aatas sa mahigit 42,000 SK Treasurers sa buong bansa na sumailalim sa 290-hour TESDA Bookkeeping Course, na nagkakahalaga ng tinatayang P670 milyon na gastos para sa gobyerno. 

Sa isang pahayag, binigyang-diin niya ang pagiging impraktikal ng naturang extensive training, at isinusulong mas streamlined approach upang agad na mapalawak ang kaalaman ng mga SK Treasurer.

Mula noong Barangay at SK Elections noong Oktubre 2023, nagkaroon ng pagkaantala sa assumption of office ng mga itinalagang SK Treasurer sa buong bansa. Ang pagkaantala na ito ay dahil sa isang probisyon sa bagong SK Law na nag-rerequire sa mga SK Treasurer na makakuha ng isang TESDA certification sa pamamagitan ng isang opisyal na 290-hour bookkeeping course. 

Nanindigan si Cardema na ang isang mas maikli o isang araw na oryentasyon ng bookkeeping ay sapat na para sa mga SK Treasurer na magampanan ng epektibo ang kanilang mga tungkulin sa gobyerno.

“Natapos na ng DILG & NYC ang maayos na 1-Day Mandatory Orientation nila sa lampas 300,000 na SK Chairmen & SK Kagawads buong bansa as mandated by the law. Etong nirequire ng bagong batas na Mandatory Training sa SK Treasurers ang problema ngayon, magastos, matagal, hindi practical,” aniya.

Ipinunto ng kinatawan ng Duterte Youth Party-List na kahit ang mga Barangay Treasurer, na humahawak ng mas malaking pondo kaysa sa mga SK Treasurer, ay hindi kinakailangang sumailalim sa TESDA Bookkeeping Course. Kinuwestiyon niya ang pagiging praktikal nito, lalo na kung isasaalang-alang ang kanilang limitadong dalawang taong termino at ang iba pang gastusin.

Iminungkahi ni Cardema na mas praktikal na solusyon ang amyendahan ang batas o ang TESDA at COA na magbigay ng espesyal na one-day orientation course sa bookkeeping para sa mga SK Treasurer. Katulad ng mga konsehal na dumadalo sa mga espesyal na kurso sa UP, nangatuwiran siya na sapat na ang mas maikling oryentasyon, na makakatipid ng oras at makabuluhang pondo ng gobyerno.

“For Practicality sa gobyerno, to save time and to save more than half a billion pesos, a short orientation on bookkeeping ay sapat na po. Sana pakinggan tayo dito, hiling ito at boses ito ng mga SK Youth Leaders natin buong bansa,” ayon sa mambabatas.

Photo credit: Facebook/profile.php?id=100068854824453

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila