Saturday, January 11, 2025

‘Itapon Na Yan!’ Sen. Risa Ipinababasura Ang PI

21

‘Itapon Na Yan!’ Sen. Risa Ipinababasura Ang PI

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa pagbubukas ng pagdinig sa Senado hinggil sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6), nagbigay ng kanyang matindi at makahulugang pahayag si Senador Risa Hontiveros tungkol sa People’s Initiative o PI.

“Salamat kasi ang hearing natin na ito para sa Resolution of Both Houses (RBH) 6, ay tanda na parang suspended rin muna ang diskusyon dito sa Kongreso nyang huwad na People’s Initiative. Kaya sana nga yung temporary suspension ng COMELEC ng mga proceedings sa PI, maging permanent na rin. Itapon na natin sa basurahan yang PI na yan,” aniya.

Sa kanyang opening statement, tinututukan ni Hontiveros ang mga probisyon ng Saligang Batas na layong amyendahan ng RBH 6. “In any case, dear colleagues, hindi po nabawasan ang pag-aalala ko sa mga probisyon ng saligang batas na nais iamyenda ng RBH 6. Kaya salamat po sa pagkakataong pag-usapan ito, dahil magbabantay talaga ako na hindi tayo mahaluan ng mga panukalang mag-papahina lang sa ating demokrasya,” dagdag pa niya.

“Hindi rin natin hahayaang mabalewala ang pagsisikap ng ating mga mamamayan, ng civil society, mga mass movements na gumawa ng paraan para magkaroon ng totoong pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng lehitimong paraan, kaysa sa ginagawa ng mga ilehitimong pwersa dyan sa tabi-tabi na tinira tayo nang pailalim.”

Sa huli, hiniling ng mambabatas na huwag gawing “collateral damage” ang Konstitusyon ng bansa. “May the 1987 Constitution light our discussions today, ladies and gentlemen. Handa po akong makinig at makibahagi … Salamat po,” pagtatapos niya.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila