Friday, April 26, 2024

K-12 Program, Pinagaaralan Ng DepEd

0

K-12 Program, Pinagaaralan Ng DepEd

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte na mayroong isang taon ang Department of Education (DepEd) para suriin ang Kinder to Grade 12 (K-12) program.

Ang timeframe na ito ay ibinigay mismo ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang ikalawang Cabinet meeting noong ika-19 ng Hulyo.

“We were given by President Marcos, one year this school year, the school year 2022-2023, to give a final answer about our K-12 program here in the country,” aniya.

Sa kanyang State of the Nation Address, ipinunto ni Pangulong Marcos na para lalo pang mapabuti ang sektor ng edukasyon, inatasan niya ang departamento na suriing mabuti ang bisa ng K-12 program upang matugunan ang mga mahahalagang isyu tulad ng job mismatch.

Sinabi rin ni Vice President Duterte na ang departamento ay nakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment para mapabuti ang skills framework ng bansa.

Ipinatupad ang K-12 Program sa Pilipinas, alinsunod sa Republic Act No. 10533 o ‘Enhanced Basic Education Act of 2013’ na nilagdaan ni dating pangulong Benigno Aquino III.

President In Action

Metro Manila