Thursday, November 21, 2024

KADAMING YULO PABIBO

1662

KADAMING YULO PABIBO

1662

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naka-isa, naka-dalawang gintong medalya sa Paris Olympics si Carlos Yulo. Natural lang na proud na proud ang mga Kapwa Pinoy (KapNoy) natin. Ang siste, kadaming pakitang gilas na mga kumpanya ang naglabas ng mga pa-award winning digital posters ng pagbati sa kagila-gilalas na performance ni Yulo.

‘Wag na tayong mga-bolahan pa, karamihan sa kanila ay sumakay lamang sa napakagandang balita upang mai-advertise ang kanilang brand. Kunwari, nakikibunyi o nagbibigay pugay. Pero ‘yung pagalingan ng sinasabing “creative o clever presentation” ay gawain para mapansin ang brand. 

Ikot-ikutin man ay malinaw na kumukuha ng brand exposure. Tanong, nagpaalam ba kayo kay Yulo na ang pangalan at imahe n’ya, maging mga simbolong patungkol sa kanya, ay inyong gagamitin? 

Simpleng “Congratulations” lang sana ay sapat na. Kung sadyang nais n’yong magpabibo, magkaroon sana ng tamang negosasyon para magamit n’yo siyang brand endorser o ambassador. Kung tatanggapin ni Yulo ang offer n’yo, ‘yun ang tamang panahon upang magpasikat kayo sa galing ng creative n’yo. Baka manalo pa ng award.

Katanggap-tanggap ang mga kumpanyang TOTOONG naging bahagi ng mahirap na landas na pinagdaanan ni Yulo. Noong mga panahong wala pang nakatitiyak na siya ay maaaring manalo ng medalyang ginto sa Olympics.

Tulad na lang ng Milo, PLDT, at ilan pang nagbigay ng suporta noon, tunay na mga naging bahagi ng tinatawag nating road to glory ni Yulo. Sila ang mga may tunay na karapatang magpasikat sa pamamagitan ng creative presentation.

‘Yung iba, pasensya na pow! Pabibo po ang dating. Parang epal lang. ‘Wag na tayong magbolahan, may intensyon para sa brand advertising ang mga pabibo n’yo po.

Ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno na nagpahayag na ng mga magagandang pabuya para kay Yulo ay natural lang. Bahagi naman talaga ng mandato ng gobyerno ang malakas na suporta sa mga atleta.

Ang akin lang, sana mas malakas din ang suporta kahit hindi pa nananalo ng ginto. Ika nga, sana yung kinakailangang suporta ng mga atleta ay mas malakas na naibibigay sa panahong hinahanda nila ang sarili upang maging represante ng bansa sa mga international na palaro. 

Mga KapNoy, saludo tayo kay Yulo. Salamat sa mga TUNAY na sumuporta sa kanya noong tinatahak pa lang n’ya ang landas papunta sa Olympics. Palakpakan na lang po natin ang mga nagsulputang mga pabibo.

Photo credit: Facebook/olympics

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila