Pinaalalahanan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang kanyang mga Kaprobinsiaan sa kahalagahan ng bakuna para sa mga bata.
“#BakunaMuna para malusog at masigla ang mga chikiting!” aniya sa social media.
Inanunsyo rin ni Ortega-David na simula May 1 hanggang May 30 ay ang malawakang pagbabakuna kontra polio, rubella, at tigdas.
“Kaya po sa mga magulang na gaya ko, pabakunahan po natin ang ating mga anak ha? Ito po ay magsisilbing protection at prevention ng mga sakit,” aniya.
Pinayuhan rin niya ang mga Kaprobinsiaan na i-contact ang kanilang mga health center para sa schedule ng pagbabakuna, at idinagdag na ang bakuna kontra Tigdas at Rubella ay para sa mga bata edad 9 buwan hanggang 59 buwan (bago mag limang taon) at bakuna kontra Polio naman ay 0 buwan hanggang 59 buwan (bago mag limang taon.)
Ayon sa Provincial Government of La Union, ang buong buwan ng Mayo para sa paglaban sa tigdas, rubella at polio sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Mesles Rubella and Bivalent Oral Polio Vaccine Supplementary Activities ng Department of Health.
Sinabi ng PGLU na sa ilalim ng pamumuno ni Ortega-David, it ay nakikiisa sa pag-promote ng #LaUnionPROBINSYAnihan para sa mas malakas na ma bata.
“Catch the vaccination activities in your areas through your barangay and rural health centers! Let us continue to protect and keep our kids safe and healthy,” dagdag nito.
Photo credit: Facebook/GovRafy