Thursday, January 30, 2025

KAKAMPI O KALABAN? Hontiveros Binatikos MIF Investment Sa NGCP

18

KAKAMPI O KALABAN? Hontiveros Binatikos MIF Investment Sa NGCP

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mas lalong lumalalim ang mga katanungan kaysa katiyakan matapos ang biglaang pagbili ng Maharlika Investment Fund (MIF) ng 20% shares sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Isa sa mga tanong ni Hontiveros ay kung sinusubukan ba ng gobyerno na palawakin ang impluwensya nito sa NGCP sa pamamagitan ng dagdag na board seats.

“Una, gusto ba ng gobyerno na mas maimpluwensiyahan ang kalakaran ng NGCP sa pamamagitan ng dagdag na board seats? Kung iyan ang layunin, bakit hindi na lang natin pakinggan ang panawagan na ibalik sa pamahalaan ang kontrol sa systems operation function ng NGCP?”

Binanggit rin niya na hindi maaapektuhan ng MIF investment ang 40% stake ng Chinese state firm, na may veto power pa rin sa desisyon ng NGCP. Sa kasalukuyan, ang 20% shares na binili ng MIF ay mula sa Synergy Grid Corporation, isang Filipino consortium na pinamumunuan ni Henry Sy, na may hawak ng 60% shares sa NGCP.

Isa pang malaking isyu ay kung makakatulong ba ang MIF investment para mapababa ang singil sa kuryente at mapalakas ang power reliability sa bansa.

“Ikalawa, talaga bang mapapababa ng MIF investment ang ating buwanang bill ng kuryente at mapapalakas ang power reliability ng bansa?”

Sa kabila ng malalaking kita ng NGCP, patuloy itong pinupuna dahil sa mabagal na serbisyo at mga hindi natatapos na critical transmission projects.

Bukod pa rito, tinanong ni Hontiveros kung sasali rin ang MIF sa mga kasalukuyang kontrobersiya na kinakaharap ng NGCP, tulad ng P8.7 bilyong security at janitorial expenses na nais ipasa sa mga consumers.

“Pangatlo, makikisali ba ang MIF sa napakaraming kontrobersiya na hinaharap ng NGCP, gaya ng P8.7 billion na security at janitorial expenses na gustong ipasa ng NGCP sa consumers?”

Lalo pang nakakagulat ang timing ng investment ng MIF, ayon kay Hontiveros, dahil may posibilidad na ma-cancel o ma-amyendahan ng Kongreso ang prangkisa ng NGCP.

Matatandaang bumoto si Hontiveros laban sa Maharlika Investment Fund Act dahil sa pangambang mapunta ito sa mga walang kasiguraduhang proyekto.

“When I voted against the Maharlika Investment Fund Act, I said that government should not be reckless with the people’s money. Hindi magandang senyales na sa dami ng pwede nitong pasukin, ang unang investment ng MIF ay sa panay kontrobersiya na NGCP.”

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila