Friday, February 21, 2025

KAKAMPI! OSG, Abogado Ng Senado Sa Duterte Impeachment Trial

156

KAKAMPI! OSG, Abogado Ng Senado Sa Duterte Impeachment Trial

156

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang Office of the Solicitor General (OSG) ang magsisilbing abogado ng Senado sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Francis Escudero nitong Miyerkules.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Escudero na naipasa na niya sa OSG ang petisyon mula sa mga kaalyado ni Duterte na humihiling sa Korte Suprema na ipatigil ang impeachment proceedings sa Senado.

Bukod dito, naghain din si Duterte ng sariling petisyon upang kwestyunin ang konstitusyonalidad ng reklamo laban sa kanya. Samantala, isang petisyon para sa mandamus ang inihain noong nakaraang linggo, na naglalayong pilitin ang Senado na agad na mag-convene bilang impeachment court.

OSG Ang Kakatawan Sa Senado

Nang tanungin kung magbibigay ba ng direktang sagot ang Senado sa petisyon para sa mandamus, nilinaw ni Escudero na hindi mismo ang Senado ang gagawa ng pormal na tugon.

“Ni-refer namin ang bagay na ‘yan sa Solicitor General’s Office bilang abogado na tumatayo sa pamahalaan. SolGen ang sasagot, SolGen ang a-appear, SolGen ang magha-handle ng kaso para sa Senado,” ani Escudero.

Dagdag pa niya, bagamat nakapaghanda na ng advisory ang legal team ng Senado, ito ay ipapasa lamang sa OSG para sa kanilang konsiderasyon.

Duterte, Humirit Din Ng Kanyang Petisyon

Kinumpirma rin ni Escudero na bukod sa mga kaalyado ni Duterte, naghain din ng magkahiwalay na petisyon ang ilang konsehal mula Davao City at si VP Duterte mismo.

Ayon sa kanya, tila naging providential o isang “biyaya” na hindi agad natuloy ang impeachment trial dahil sa recess ng Senado.

“Marahil providential na hindi kami natuloy sa trial dahil nag-recess kami, para lahat ng mga bagay na ito ay maidulog na sa Korte Suprema, (at) mapagpasyahan na ng Korte Suprema para wala nang pipigil o aantala pa sa trial ng Senado na mga ganitong uri ng teknikalidad o issue na maaaring i-bring up ng nasasakdal na si VP Sara. So may sapat na panahon ang Korte Suprema para resolbahan at sagutin ang lahat ng mga issue na ito bago pa man mag-convene ang impeachment court,” paliwanag niya.

Senado, Handang Ituloy Ang Impeachment Trial

Binigyang-diin din ni Escudero na hindi nila tatalikuran ang kanilang tungkulin bilang constitutional body. Maliban na lamang kung maglabas ng restraining order o preliminary injunction ang Korte Suprema, tuloy ang impeachment trial.

Photo credit: Facebook/OfficeOfTheVicePresidentPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila