Friday, January 10, 2025

KAMARA DINEDMA! Dela Rosa ‘Wapakels’ Sa War On Drugs Probe

1347

KAMARA DINEDMA! Dela Rosa ‘Wapakels’ Sa War On Drugs Probe

1347

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Deadma si Senador Bato dela Rosa sa imbitasyon ng Kamara sa isinasagawang imbestigasyon sa war on drugs na pinamunuan niya sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa isang pahayag, sinabi ni dela Rosa na handa naman siyang humarap sa imbestigasyon, bagaman hindi pa siya nakakatanggap ng pormal na imbitasyon, ngunit pinili niyang huwag dumalo bilang pagpapahalaga sa payo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

“I sought the advice of the Senate President on what to do. Sa akin wala akong problema, I can face them anytime. But still, I have to follow the guidance of the Senate President being a member of the institution, the Senate of the Philippines. Kailangan ko sundan ‘yung guidance niya.” 

“Ang kanya namang sagot, ‘No, you don’t have to attend’ dahil ‘yun nga may mga discussion sa Senado na every time na lang merong i-pa-pop out na pangalan ng senador sa hearing nila, ibe-break natin yung inter-parliamentary courtesy. Ano ang magagawa ng senador? Bente-kwatro lang kami, sige na lang attend sa hearing nila wala nang magagawa ang Senado sa kanyang legislative function,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni dela Rosa ang tradisyon sa Senado na humingi ng payo sa kanilang liderato upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan. 

“We have to seek guidance dahil nga that is an enshrined practice, tradition among chambers of legislature to observe inter-parliamentary courtesy,” he said. “Every time you make an official act, alam ‘yan ng liderato ng Senado para hindi tayo magkasisihan sa bandang dulo na gawa-gawa ka ng sariling desisyon d’yan in your official capacity na hindi alam ng liderato ng Senado.”

Samantala, humingi ng accountability ang senador sa mga nagtutulak ng legal action laban sa kanila ni Duterte at sinabing dalhin na lang nila ang mga kaso sa korte.

“If she has the goods, then by all means you have to file the case against us. File siya ng kaso kung gusto niya. We are ready to face any court dito sa Pilipinas.”

“Hindi ‘yan sa sentimyento, kung hindi sa ebidensya ‘yan. Magbabase tayo sa ebidensya, hindi sa sentimyento. Kung meron kayong ebidensya, [mag-]file kayo sa korte,” pagtatapos ni dela Rosa.

Matatandaang inaprubahan ng House Committee on Human Rights ang mosyon ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas para imbitahan si Duterte at dela Rosa. Ang nasabing mosyon  ay sinigundahan naman ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila