Monday, March 31, 2025

KAMARA TODO DEPENSA! Walang Daya Sa 2025 Budget – House Leaders

KAMARA TODO DEPENSA! Walang Daya Sa 2025 Budget – House Leaders

1887
1887

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tiniyak ng mga lider ng Kamara na kanilang ipagkakaloob sa Supreme Court (SC) ang hinihinging kopya ng enrolled bill para sa 2025 General Appropriations Act (GAA) at sa kasalukuyang taon na budget. Kasabay nito, kumpiyansa silang walang anumang iregularidad na matutuklasan.

Ang kahilingan ng SC ay ginawa bago ang nakatakdang preliminary conference sa kaso sa Pebrero 28, habang itinakda naman ang oral arguments sa Abril 1 sa Baguio City.

Sa isang pahayag, sinabi nina House Assistant Majority Leaders Jude Acidre ng Tingog Party-list at Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list na walang basehan ang alegasyon ng mga nagpetisyon laban sa budget enactment process.

“I stand by the regularity of the 2025 GAA (General Appropriations Act). It is above board. In fact, we welcome this initiative on the part of the Supreme Court to really require the copy of the enrolled bill,” ani Acidre.

Suportado ito ni Bongalon na nagsabing mapapatunayan ng SC na walang katotohanan ang paratang na parang isang “blank check” ang pondo ng gobyerno.

Tungkol naman sa reklamo ng mga petisyoner na hindi nila makuha ang kopya ng panukalang batas mula sa Kongreso, nilinaw ni Bongalon na kailangang gawin ito sa pamamagitan ng pormal na request.

Kabilang sa mga nagdududa sa bisa ng 2025 budget ay mga kaalyado ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, tulad nina Davao City Rep. Isidro Ungab at dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Samantala, mariing kinondena ng mga lider ng Kamara ang panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na suspindihin si Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng Kamara kaugnay ng umano’y pekeng pampublikong dokumento.

“This is simply an effort to deflect attention from the impeachment process,” giit ni Acidre, na tinutukoy ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH