Friday, January 10, 2025

KAMBYO KING? Bagong Panukala Ni Binoe, Tutuldok Sa Political Dynasties

1620

KAMBYO KING? Bagong Panukala Ni Binoe, Tutuldok Sa Political Dynasties

1620

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila kumambyo si Senador Robin Padilla – kilalang kaalyado ng isa sa pinakamakapangyarihang political family sa bansa – matapos niyang isulong ang pag-amyeda sa 1987 Constitution upang mawakasan na ang mga political dynasty sa gobyerno. 

Sa paghahain ng Resolution of Both Houses No. 9, binigyang-diin niya na ang term limit sa mga halal na opisyal ay bigo sa pagpigil sa mga political dynastY.

“The term limits of elected officials outlined in the Constitution are not effective in curtailing the proliferation of political dynasties as term-enders may run for a different office or are replaced by a relative, or both,” pahayag ni Padilla.

“Congressional inaction on several anti-political dynasty measures calls for the amendment of Sec. 26, Art. II of the Constitution to convert the same into a self-executory provision.”

Dagdag niya, mahalaga ang pantay na pagkakataon para sa serbisyo publiko, inclusivity, at patas na representasyon sa parehong executive at legislative affairs, na mga pangunahing prinsipyo ng isang demokratikong estado. Pero hanggang ngayon, namamayagpag pa rin ang political dynasties sa lokal at pambansang eleksyon.

Nabanggit din ng mambabatas na ayon sa Philippine Review of Economics noong 2017, 70 porsyento ng miyembro ng Kongreso ay galing sa dynasties – kumpara sa 6.9 porsyento sa Estados Unidos. Ipinunto din niya na ang mga lokal na political dynasties ay madalas na “namumuhunan” sa mga party-list organization, na lalong nagpapatibay sa kanilang impluwensya.

Aniya, may survey din ang Kontra Daya kung saan 70 porsyento ng party list candidates noong 2022 ay may ugnayan sa political dynasties.

Sa RBH 9, aamyendahan ang Sec. 26 ng Art II (Declaration of State Principles and State Policies) para maging, “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service” – kung saan tatanggalin ang bahaging “as may be defined by law.”

Kasama sa iminungkahing pag-amyenda ang mga partikular na pagbabawal sa kandidatura o paghawak ng katungkulan para sa mga kamag-anak ng pangulo, pangalawang pangulo, mga senador, o mga kinatawan ng party list sa pareho o anumang mga pambansang national elective position. 

Hihigpitan din nito ang mga kamag-anak ng nanunungkulan na mga lokal na opisyal sa pagtakbo para sa alinmang elective office sa parehong lungsod o lalawigan kung saan inihalal ang nanunungkulan, gayundin sa pagtakbo para sa party list representative.

Kabilang sa “relatives” ang asawa o taong may ugnayan hanggang ikaapat na degree of consanguinity or affinity, “whether legitimate or illegitimate, full blood or half blood.” Ang pagkakandidato sa halalan ng mga may kamag-anak hanggang ikaapat na degree of consanguinity or affinity sa anumang pwesto ay ipagbabawal – nguni’t ang bona fide certificate of candidacy na naunang naihain ay kikilalanin.

Ang panukalang ito ni Padilla ay tila salungat sa nakaraan niyang mga pahayag ng pagsuporta sa napabalitang pagtakbo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga anak na si Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa Senado sa susunod na taon.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila