Suportado ni Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro ang panawagan ng European Union (EU) sa Pilipinas na muling sumali sa International Criminal Court (ICC).
Aniya, ang pagsali muli ng bansa sa ICC ay patunay ng commitment ng bansa sa international norms. Pagtitibayin din nito ang legal framework ng Pilipinas sa paghabol sa mga taong gumawa ng krimen, anuman ang kanilang estado sa buhay.
Ayon kay Luistro, ang ICC ay nagsisilbing “court of last resort” para sa mga kasong labis na nakaaalarma para sa buong mundo—kabilang dito ang genocide, war crimes, crimes against humanity, at aggression. Hindi nito sinasapawan ang mga lokal na korte, bagkus ay pinupunan nito ang anumang pagkukulang sa domestic justice system.
“The decision to depart from the Rome Statute in 2019 was a devastating decision: it sent the wrong message to the international community that we were unwilling to uphold the protection and promotion of human rights, which should be inherent to every individual, and displayed the fragility of our democratic institutions. At its core, the withdrawal from the ICC signified to our people that our Government’s commitment to international treaties, more importantly to our domestic laws, is malleable enough and can be distorted to the whims of a select few,” saad ng representante ng ikalawang distrito ng Batangas.
Sa pagbabalik ng Pilipinas sa ICC, muling maipapakita na seryoso ang bansa sa laban para sa hustisya para sa lahat.
Photo credit: ICC website