Sunday, January 12, 2025

Karahasan Laban Sa Demokrasya! Sen. Revilla Kinondena Ang Pagpatay Kay Juan Jumalon

9

Karahasan Laban Sa Demokrasya! Sen. Revilla Kinondena Ang Pagpatay Kay Juan Jumalon

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing tinuligsa ni Senador Bong Revilla ang ginawang pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon o DJ Johnny Walker sa loob pa mismo ng kanyang studio sa Misamis Occidental.

Sa isang pahayag sinabi niya na ang nasabing krimen ay isang matinding pag-atake demokrasya at sa malayang pamamahayag ng bansa.

“Mariin nating kinokondena ang brutal na pagpaslang kay Radio Broadcaster Juan Jumalon habang siya ay nagpo-programa sa mismong istasyon na isinagawa sa loob mismo ng kaniyang kanyang tahanan,” ayon kay Revilla, at idiniin na napakabrutal ng nasabing krimen dahil ito ay naganap sa mismong home-based radio station ni Jumalon sa bayan ng Calamba, Misamis Occidental.

Aniya, may mas malawak na implikasyon ang naturang krimen sa mga mamamahayag, at iginiit na, “Ang anumang karahasan sa mga mamahayag, ay karahasan laban sa ating demokrasya. This in no uncertain terms is an affront to our free press. ” 

Diumano’y nagkunwaring listener ang salarin upang makapasok sa studio kung saan nagsasagawa ng isang morning live broadcast si Jumalon. Matapos ang krimen, hinablot pa ng gunman ang gintong kuwintas ng biktima bago mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo kasama ang isang kasabwat na naghihintay sa labas.

Sa kabila ng kalunos-lunos na insidenteng ito, naglabas ng hamon si Revilla sa lahat ng ahensyang nagpapatupad ng batas, at hinimok silang panagutin ang mga responsable sa mapangahas na krimeng ito. 

“I challenge all our law enforcement agencies to make accountable to those behind this brazen attack against Mr. Jumalon– Radio Broadcaster of Calamba, Misamis Occidental,” deklara niya.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila