Sunday, June 30, 2024

KASABWAT? Lapid Pumalag Sa Pagkakasangkot Sa POGO

174

KASABWAT? Lapid Pumalag Sa Pagkakasangkot Sa POGO

174

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kumagat sa hamon si Senador Lito Lapid sa nakaraang hearing tungkol sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) matapos niyang sabihin na handa siyang magbitiw bilang senador kung mapapatunayan na konektado siya sa POGO sa Pampanga.

Paniniguro ni Lapid, handa siyang makipagtulungan na mahanap ang mastermind sa likod ng raided POGO sa Pampanga at linisin ang kanyang pangalan matapos siyang idawit umano sa nasabing issue.

Kilala bilang isang opisyal na lumaki sa Porac, Pampanga, sinabi ng mambabatas na hindi siya kailanman naging konektado sa kahit anong business na kaugnay ng POGO.

“Gusto ko po patunayan sa hearing na ito na wala akong kinalaman sa operation ng POGO. Hindi po nakapangalan sa akin ang lupang sampung ektarya diyan sa POGO na iyan.”

Ani Lapid, kung mapatunayan man na kabilang siya sa problema sa POGO, kaya niyang itaya ang kanyang pangalan at handang managot sa parusang ipapataw dito. “Kung napatunayan nila na kasali ako dyan, pwede akong magresign bilang senador.”

Matatandaang nasangkot ang pangalan ng senador sa POGO sa Porac, Pampanga simula nang sabihin ng isang vlogger na dapat siyang paimbestigahan sa National Bureau of Immigration dahil sa kanyang lupain sa naturang probinsya.

Ngunit mariin itong itinanggi ni Lapid at ni Porac Mayor Jaime Capil na sinasabing hindi nila pagmamay-ari ang sampung ektaryang lupa sa Pampanga kung saan nakatayo ang POGO hub na pinapatakbo ng Lucky South 99 Outsourcing, Inc.

Photo credit: Facebook/senateph

President In Action

Metro Manila