Wednesday, January 22, 2025

KINUPKOP? Roque, Asawa Dawit Sa Bigating Pugante Sa Benguet Haybol

1830

KINUPKOP? Roque, Asawa Dawit Sa Bigating Pugante Sa Benguet Haybol

1830

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kalaboso ang kahihinatnan ni dating presidential spokesperson Harry Roque at dawit din ang maybahay niyang si Mylah kung mapapatunayan may kinalaman ang dalawa sa umano’y pagkakanlong sa dalawang pinaghahanap na puganteng Chinese sa kanilang residential house sa Tuba, Benguet.

Napag-alamang ang naturang bahay ni Roque ay pag-aari na ngayon ng korporasyon na ang ilang interes ay pag-aari nila.

Ayon sa isang panayam kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz, magiging bahagi ng isinasagawa nilang imbestigasyon ang maaaring kaugnayan ni Roque sa dalawang pugante.

“Former spokesperson Harry Roque… will be part of our investigation being conducted by PAOCC. He said that there is a lessee and lessor contract between (the company) and those who were arrested, so that has to be explained,” aniya.

Dagdag pa ni Cruz, ang kakulangan sa kaalaman sa katayuan ng dalawang pinaghahanap na pugante ay hindi isang dahilan para ang sinuman ay hindi maisama sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

“A case has to be filed… explain it before the court,” pagdiin ng PAOCC official.

Matatandaang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PAOCC, Bureau of Immigration (BI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Philippine National Police (PNP) ang hinihinalang bahay ni Roque sa Pinewoods Golf and Country Club.

Sa nasabing operasyon, dalawang Chinese ang nasakote na hinihinalang konektado sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO .

Paglilinaw ni Roque sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Lunes, Hulyo 29, hindi n’ya raw pagmamay-ari ang na-raid na residential house.

Dagdag pa niya, nakarehistro sa isang korporasyon ang naturang bahay ngunit aminado siyang tumira siya sa nasabing bahay nang siya ay magbitiw sa tungkulin sa gobyerno. Inamin din ng dating spox na may interes siya sa nasabing korporasyon.

“Ang bahay po na tinutukoy n’yo sa Tuba, Benguet ay rehistrado sa isang korporasyon. Tinirhan ko po ‘yan nu’ng ako ay umalis ng gobyerno and I do have an interest in the corporation that owns its,” aniya.

Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety noong Miyerkules, Hulyo 31, nang tila aminin ni Roque na pagmamay-ari n’ya ang naturang bahay. Makailang ulit n’ya kasing sinabing “ang aking bahay” sa kanyang pahayag kung saan natiklo ang dalawang dayuhang Chinese.

Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros, isa raw bigating puganteng matagal nang pinaghahanap sa China ang umano’y nagtago sa sinasabing residential house ni Roque.

Pagdidiin pa niya, may red notice ng International Criminal Police Organization o Interpol ang nasabing puganteng Chinese dahil sa kinakasangkutan umano nitong large scale fraud sa naturang “Red Dragon” country.

“Hindi lang basta-bastang Chinese ang nagtago sa sinasabing bahay ni Harry Roque. Itong si Sun Liming ay bigating pugante na nasa Red Notice ng Interpol. Kaya nakapagtataka na sa dami ng bahay sa Pilipinas kay Roque pa talaga napunta ang pugante,” pahayag ni Hontiveros.

Photo credit: PNA website,Facebook/hontiverosrisa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila