Thursday, January 9, 2025

Kondisyon Sa National Center for Mental Health Pinaiimbestigahan

3

Kondisyon Sa National Center for Mental Health Pinaiimbestigahan

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpatawag ng imbestigasyon si Senador Raffy Tulfo tungkol sa kondisyon ng pasilidad sa National Center for Mental Health (NCMH) matapos niyang magsagawa ng surprise ocular inspection sa naturang pasilidad.

Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na inihain niya ang Senate Resolution No. 562 na naglalayong imbestigahan ang mga pasilidad ng Center at siguraduhin na ang mga pasyente ay nakakatanggap ng angkop na serbisyo.

Sa pagsumite ng resolusyon, layunin ni Tulfo na tugunan ang pangunahing dahilan ng problema at pagkukulang sa pasilidad at operasyon ng NCMH at suriin ang kalidad ng pag-aalaga, paggamot, at suporta na ibinibigay sa mga pasyente. 

Dagdag niya na dapat gamitin ang budget na inilaan ng gobyerno sa Center para sa pagpapabuti ng kalidad ng pag-aalaga at suporta na ibinibigay sa mga pasyente.

Nagsagawa ang senador ng isang surprise ocular inspection sa NCMH matapos makatanggap ng tip sa isang netizen na ang mga pasyente sa ospital ay hindi tinatrato ng patas.

Bilang miyembro ng Senate Committee on Health, idiniin din niya na kailangan panagutin ang mga responsable sa korapsyon, pagkukulang, pagpapabaya o paglabag sa mga batas at regulasyon sa pagbibigay ng mental health care services.

“Nakakalungkot na makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng ilang mga pasyente sa NCMH sa Mandaluyong. Kung mahina ang iyong sikmura, tiyak na masusuka ka sa sobrang baho ng kanilang ward. Daig pa ang amoy ng kulungan ng baboy,” pahayag ni Tulfo.

“Sa sahig sila natutulog at walang banig, kumot o unan. Nagsisiksikan na parang mga sardinas at sobrang init na mistulang pugon dahil walang ventilation at kulang sa electric fan,” dagdag niya.

Nirekomenda ng mambabatas sa kanyang pagbisita sa Center na gumamit ng humidifier, round the clock disinfectant spray, at linisin ang mga kwarto ng dalawang beses sa isang araw.

Binisita rin niya ang Pavilion 4 o ang Forensic Ward makikita ang mga pasyente na may kaso. Sinabi ni Tulfo na siksikan ang pavilion na may 50 na pasyente ngunit 10 lamang ang kapasidad nito. Wala ring ventilation ang pasilidad bukod sa dalawang ceiling fan.

Photo credit: National Center for Mental Health Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila