Sunday, December 22, 2024

KRISIS O BAKASYON?

1461

KRISIS O BAKASYON?

1461

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear VP Sara,

Malawang galang na po pero mukhang hindi naging sagabal ang hagupit ni bagyong Carina sa personal trip ninyo sa Germany. Sa aking palagay ay isang matinding pagkukulang sa inyong pagiging lider ang pag-alis ninyo ng bansa sa oras ng sakuna.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Cong. Edcel Lagman tila ba walang kayong pakialam sa mga pagdurusa ng Pilipino sa panahon ng krisis na ito. Habang ang Metro Manila at ibang lugar ay nasa ilalim ng malawakang pagbaha, aba’y kayo ay nasa ibang bansa sa hindi isinapublikong dahilan. 

Hindi ko talaga masabi kung may malasakit ba talaga kayo sa publiko kung sa ganitong panahon ay mas pipiliin ‘nyo pang magbakasyon. 

At ito pa, hindi nyo pwedeng idahilan na may travel authority kayo galing kay President Bongbong at hindi nyo alam na sasabay sa bagyo ang pag-alis ninyo. Hindi ito sapat na dahilan para iwan nyo ang inyong tungkulin sa mga mamamayan na nangangailangan ng agarang tulong.

Ang sa akin lang po, pwede naman pong ikansela muna ang bakasyon o ang pamilya na lang ninyo ang umalis muna, at nagpaiwan kayo para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo. 

Ang tunay na lider ay hindi iniiwan ang kanyang mga responsibilidad sa oras ng krisis!

Nagmamasid,

Rafael Cruz

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila