Bilang tugon sa diumano’y kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, sinabi ng Makati City na bukas pa rin para sa mga residente ng mga EMBO barangay ang libreng serbisyong ibinibigay ng Lingkod Bayan Caravan.
Ayon sa pahayag ni Makati Mayor Abby Binay, ang libreng konsultasyon para sa mga residente ng EMBO sa lahat ng barangay health centers at sa Ospital ng Makati (OsMak) ay sagot sa hinaing ng mga nagsasabing kulang ang serbisyong pangkalusugan para sa kanila.
Matatandaang nailipat na sa Taguig City ang Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Northside, Southside, at Rizal.
“We have been receiving numerous complaints from EMBO residents about lack of access to basic health services. We are also concerned for residents and senior citizens who can no longer avail themselves of free, unlimited dialysis sessions and free maintenance medicines which Makati provides,” pahayag ni Binay.
Simula Pebrero 12, apat na barangay health centers ang mag-ooperate mula 6am hanggang 10pm, kumpara sa dating oras na 8am hanggang 5pm, Lunes hanggang Biyernes, upang magbigay daan sa mga residente ng Makati at EMBO.
“Although these barangays are no longer under Makati’s jurisdiction, the City is still dedicated to ensuring the well-being of all residents, past and present,” dagdag pa ni Binay.
Kabilang sa mga libreng serbisyo na inaalok sa caravan ang mga libreng checkup, x-ray, ECG, FBS, blood typing, at libreng gamot. Dagdag pa rito, may libreng serbisyo rin tulad ng pet vaccination, pet microchipping, legal aid, job fair, at tulong mula sa mga utility company tulad ng Meralco at Manila Water.
“We also encourage EMBO residents to take advantage of the free consultations at all Makati health centers and OsMak. They can go to the nearest health center to schedule an appointment,” sabi ni Binay.
Binigyang-diin din niya na ang mga senior citizen na may valid senior citizen cards mula sa mga barangay ng EMBO ay patuloy na makikinabang sa libreng laboratory, imaging, at diagnostic services sa OsMak.
“Even though the EMBO barangays are no longer under Makati, we feel it is our moral responsibility to ensure their access to essential health services. Our care and support extend beyond geographical boundaries,” pagdidiin pa ng mayor.
Dagdag pa niya, iniisip din ng lungsod ang pagdaraos ng medical missions upang mas mapaghandaan ang pangangailangan sa laboratory at diagnostics ng mga residente ng EMBO.
“We understand the financial strain medical expenses can place on families, especially in these challenging times. Our proposed activities aim to bridge this gap for the EMBO residents, providing much-needed relief and support,” pagtatapos ni Binay.
Photo credit: Facebook/MyMakatiVerified