Sunday, July 14, 2024

KULAY ROSAS ANG NAGA! Robredo Tatakbong Naga Mayor sa 2025; Tagasuporta Dismayado

324

KULAY ROSAS ANG NAGA! Robredo Tatakbong Naga Mayor sa 2025; Tagasuporta Dismayado

324

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinumpirma ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang intensyong tumakbong alkalde ng Naga City sa Camarines Sur para sa 2025 midterm elections.

Sa kanyang naging panayam sa “Zoom In” ng NewsWatch Plus PH, sinabi ni Robredo na mas pinili niya ang pagtakbo para sa posisyon ng mayor sa Naga dahil mas akma rito ang kanyang “skill sets.”

“For now, I have decided to run for the mayorship of Naga. Tingin ko, mas aligned ‘yung skill sets ko doon. Mahirap na ipilit to run for something na parang hindi aligned sa capacities ko, just to hold a national position.”

Ang balitang ito ay sinalubong ng pagkadismaya ng ilang tagasuporta na umaasa pang siya ay tatakbo sa Senado. Sa kabila nito, hinimok ni Robredo ang kanyang mga tagasuporta na hindi mawalan ng pag-asa.

“So, I’ve been explaining this to supporters who are quite disappointed that I’m not running for the Senate. Sinasabi ko, hindi naman ako mawawala. Nandito ako, supporting the cause pero in a different capacity. I don’t think na iniwan ko ‘yung laban just because I’m not running for the Senate.”

Dagdag pa niya, “If I become mayor of Naga, marami akong pwedeng i-showcase na—para ipakita sa mga tao na, ‘This can be done, this is possible,’ to start programs that are replicable in other areas. So, mas excited ako about this.”

Bago pa man gawing pormal ni Robredo ang anunsyo na hindi siya tatakbo sa Senado, kumalat na noong Hunyo ang iba’t ibang balita tungkol sa kanyang pagtakbo bilang alkalde. Isa sa mga unang nagpahayag ng suporta ang Liberal Party (LP), na nagsabing, “The Liberal Party stands behind former Vice President Robredo and wishes her the very best in her future endeavors.”

Nagsilbi si Robredo bilang chair ng LP mula 2016 hanggang 2022. Nagtapos ang kanyang termino bilang bise presidente noong 2022, at natalo siya sa pagka-pangulo sa parehong taon.

Photo credit: Facebook/VPLeniRobredoPH

President In Action

Metro Manila